My Foundation [Ang Aking Saligan]: Hawakan nang Maayos ang Pera—Maximum na Oras: 20 Minuto
-
Pag-isipang mabuti:Bakit napakahirap hawakan nang maayos ang pera—at bakit napakahalaga nito?
-
Panoorin:“First Things First!” makukuha sa srs.lds.org/videos. (Walang video? Basahin sa pahina 22.)
Unahin ang Mahalaga!
Kung hindi ninyo mapapanood ang video, pumili ng mga papel na gagampanan at basahin ang script na ito.
Tagpo: Batang lalaki at babae, na nakadamit pang-matanda, at ginagaya ang akto ng mga magulang nila.
Batang lalaki: Narito na ako, mahal.
Batang babae: Welcome home. Naku, mukhang pagod ka.
Batang lalaki: Ikaw rin. Napakasipag mo, ’no?
Batang babae: Kailangan nating magtrabaho, ’di ba?
Batang lalaki: Kumita ako ng 10 ngayon.
Batang babae: Naku, blessing ’yan. Unahin muna natin ang mahalaga. Magbayad tayo ng ating ikapu.
Batang lalaki: Pero paano kung kulangin ang pera natin?
Batang babae: Diyan papasok ang pananampalataya!
Batang lalaki: Okey. Ano na ang susunod?
Batang babae: Bumili tayo ng pagkain, magtabi ng pamasahe, at magbayad ng upa sa bahay. At pagkatapos, magandang bumili ng isang upuan …
Batang lalaki: Pero hindi pwede. Hindi na sapat ang pera natin.
Batang babae: Pwede ba tayong umutang?
Batang lalaki: Sabi nila delikadong mangutang. Huwag tayong pumasok sa problema.
Batang babae: Okey. Tama ka. Eh, ano ang gagawin natin dito?
Batang lalaki: Impukin natin! Baka may mangyaring emergency.
Batang babae: Tama nga. Pero wala na tayong pang-pasyal.
Batang lalaki: Magkasama naman tayo! At daragdagan ko pa ang kita ko.
Batang babae: Hindi ako gaanong gagastos!
Batang lalaki: Sa ganyang paraan magiging masaya tayo—at self-reliant!
Batang babae: Tama! Hindi naman pala mahirap. Bakit pinapahirap pa ng matatanda?
Batang lalaki: Alam mo na. Ganoon talaga sila!
Bumalik sa pahina 20.
-
Talakayin:Bakit natin kailangang i-monitor at tipirin ang ating pera?
-
Basahin:Doktrina at mga Tipan 104:78 at ang pahayag mula sa Ihanda ang Bawat Kinakailangang Bagay (sa kanan)
-
Talakayin:Basahin kung paano hinahawakan nang maayos ng self-reliant ang kanyang pera (sa ibaba). Paano natin ito makakagawian?
-
Mangakong Gawin:Mangakong gawin ang mga sumusunod sa linggong ito. Lagyan ng tsek ang box kapag nakumpleto mo ang bawat gawain.
-
I-monitor ang kinikita at ginagastos mo araw-araw. Sa pagtatapos ng linggong ito, sumahin ang mga numero at irekord ang mga kabuuang halaga sa Income and Expense Record sa pahina 15.
-
Ibahagi sa iyong pamilya o mga kaibigan ang natutuhan mo ngayon tungkol sa maayos na paghawak ng pera.
-