“Counseling Resources,” Counseling Resources (2020).
“Counseling Resources,” Counseling Resources.
Counseling Resources
Maraming miyembro ang dumaranas ng iba’t ibang hamon. Bilang lider, ministering brother o ministering sister, o nagmamalasakit na kapamilya o kaibigan, may pagkakataon kang makatulong. Sa pagtugon mo sa mga pangangailangan ng iba, matutulungan mo silang makadama ng kagalakan at tagumpay habang nauunawaan at tinatanggap nila ang kanilang responsibilidad sa sarili at sa kanilang pamilya. Habang naglilingkod ka, makikipagtulungan sa mga naghahangad ng patnubay at may mahihirap na problema. Habang nagmi-minister ka, laging sikaping gawin ito sa paraang naaayon sa plano ng Diyos kapwa para sa tao at sa iyong sarili.
Habang naghahangad ang mga indibiduwal ng solusyon sa kanilang mga personal na problema, makakahanap sila ng tulong at paggaling sa pamamagitan ni Jesucristo at ng Kanyang kapangyarihang tumubos. Kapag nananampalataya sila sa Kanya, palalakasin Niya sila sa mga sandali ng kanilang pangangailangan. Bukod pa riyan, ang Kanyang kapangyarihan ay nagbibigay ng pag-asa sa kanilang buhay habang nauunawaan nila na handa Siyang tumulong at magligtas.
Sa maraming sitwasyon, malulutas ng mga indibiduwal ang kanilang mga problema sa pamamagitan ng personal na paghingi ng tulong sa Panginoon at paggamit sa kanilang sariling resources. Hikayatin ang mga miyembro na pagnilayan at ipagdasal ang kanilang mga problema. Tulungan silang makahanap ng payo sa mga banal na kasulatan at sa mga salita ng mga buhay na propeta. Hikayatin silang bumaling sa mga kapamilya at mga kaibigan para sa mga sagot at suporta. Anyayahan silang maghanap ng resources sa komunidad na makakatulong sa kanilang mga partikular na hamon.
Maliban sa tulong na maibibigay mo, marami pang ibang mga kasangkapan at resources na makakatulong sa mga indibiduwal na mas maging self-reliant sa espirituwal, emosyonal, at temporal. Sa mga sitwasyong nararanasan nila na napakabigat ng kanilang mga hamon, mapanalanging magtulungan sa pamamahala ng bishop, Relief Society president, o elders quorum president upang tulungan sila. Ang mga pagpapalang kaakibat ng kani-kanyang calling at interes ay makakatulong sa iyo na tulungan ang iba sa kanilang mga pagsisikap na makatanggap ng personal na paghahayag upang malampasan nila ang mga hamon sa kanilang buhay.
Ang mga paksang nakalista sa site na ito ay ginawa upang matulungan ka sa pagtulong sa mga indibiduwal na pag-aralan at pag-isipan ang kanilang mga problema (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 9:8). Ang resources na ito ay nagbibigay ng access sa mga turo ng ebanghelyo, payo ng mga lider ng Simbahan, mga banal na kasulatan, mga gamit sa assessment o pagtataya, at iba pang resources ng Simbahan.
Sa pagtulong mo sa anumang sensitibo o mahirap na sitwasyong ito, isipin ang sumusunod na mga gabay na alituntunin:
Magmahal muna. Lahat ng anak ng Diyos ay karapat-dapat mahalin at pakitunguhan nang may kabaitan. Maaaring hindi natin maunawaan ang indibiduwal na karanasan ng isang tao, subalit palagi tayong makapagpapakita ng pagmamahal.
Makinig upang makaunawa. Mag-ingat na huwag mag-isip ng anumang palagay tungkol sa mga nararamdaman o ikinikilos ng tao. Magtanong at makinig, at pagkatapos ay tumugon nang may malasakit at pagdamay. Sa iyong pakikinig, bumubuo ka ng tiwala at nagkakaroon ng pag-unawa kung paano mag-minister o maglingkod.
Magturo ng katotohanan. Ang mga tunay na alituntunin ang nagbibigay ng saligan ng matatapat na pagpili. Ayon sa patnubay ng Espiritu, magiliw na ituro ang mga katotohanang iyon na tutulong sa miyembro na manatili sa landas tungo sa walang-hanggang kagalakan.
Magpalakas ng pananampalataya. Ang pananampalataya ay nakasalig sa tiwala sa mapagmahal na Ama sa Langit, sa pang-unawa tungkol sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo, sa pagtitiwala sa patnubay ng Espiritu Santo, at sa katiyakan na may plano ang Diyos para sa walang-hanggang pag-unlad ng bawat tao. Hikayatin ang mga indibiduwal na palakasin ang kanilang personal na pananampalataya sa pamamagitan ng araw-araw na pagdarasal at pag-aaral ng mga banal na kasulatan.
Mag-minister o maglingkod. Ang pagkilos nang may pagmamahal, pakikinig upang makaunawa, at paghahangad ng gabay mula sa Espiritu ay magbibigay ng mas malalim na pang-unawa tungkol sa pinakamainam na paraan para makapag-minister o makapaglingkod nang may pagmamahal sa bawat pangangailangan.
Mag-download ng mga Training Video
May makukuhang resources para sa sumusunod na mga paksa: