Karagdagang Resources sa Pagtuturo sa mga Bata
Aralin 22: Tinuturuan Ako ng aklat ni Mormon Tungkol Kay Jesucristo


22

Tinuturuan Ako ng aklat ni Mormon Tungkol Kay Jesucristo

Pambungad para sa Guro

Para espirituwal na maihanda ang inyong sarili sa pagtuturo ng araling ito, basahin at pag-isipan ang sumusunod:

Ang Aklat ni Mormon ay isang makapangyarihang saksi kay Jesucristo. Naglalaman ito ng patotoo ng mga sinaunang propetang nakinita ang Kanyang pagdating at naunawaan ang Kanyang misyon. Naglalaman din ito ng isang talaan ng Kanyang pagdalaw sa mga lupain ng Amerika matapos ang Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli (tingnan sa 3 Nephi 11–27). Ang pinakalayunin ng Aklat ni Mormon ay kumbinsihin ang lahat ng tao “na si Jesus ang Cristo, ang Diyos na Walang Hanggan, nagpapatunay ng kanyang sarili sa lahat ng bansa” (pamagat na pahina ng Aklat ni Mormon; tingnan din sa 1 Nephi 13:40–41; 2 Nephi 25:26; 33:10–11).

Paghahanda

  • Markahan ang mga pahina 22, 94, at 126 sa manwal na ito para madali ninyo itong mabuklat.

  • Magdala ng isang kopya ng Aklat ni Mormon.

Mga Aktibidad sa Pag-Aaral

Magsimula sa isang aktibidad sa pagtitipon. Para sa mga ideya, tingnan sa pahina 3.

Panalangin

Pag-alayin ng pambungad na panalangin ang isang bata.

Awit

Kantahin ang koro ng “Babasahin, Uunawain at Mananalangin” (Aklat ng mga Awit Pambata, 66) at gawin ang mga aksyon sa ibaba. Pasabayin sa inyo ang mga bata.

Babasahin, (magkunwaring binubuklat ang isang aklat) uunawain, (ituro ang ulo) at mananalangin (humalukipkip)

Hilig kong laging binabasa, kasulatang banal. (ituro ang sarili)

Espiritu’y dama, sa puso ko t’wina, (ilagay ang kamay sa dibdib)

Nalalamang aklat ay tunay. (ituro ang ulo)

Mga Larawan

Itaas ang Aklat ni Mormon. Sabihin sa mga bata, “Ito ang Aklat ni Mormon. Tinuturuan tayo ng Aklat ni Mormon tungkol kay Jesucristo.” Ipasambit sa mga bata ang “Aklat ni Mormon.” Buklatin ang Aklat ni Mormon at ilagay ito sa harapan ninyo.

Idispley ang larawan ng Pagsilang ni Jesucristo (pahina 126 sa manwal na ito). Ituro ang Aklat ni Mormon at sabihin sa mga bata na itinuturo ng Aklat ni Mormon na naparito si Jesucristo sa mundo.

Larawan
Mary and baby Jesus

Idispley ang larawan ni Jesus na pinagagaling ang mga Nephita (pahina 94). Ituro ang Aklat ni Mormon at sabihin sa mga bata na itinuturo ng Aklat ni Mormon na pinagaling ni Jesucristo ang mga maysakit.

Larawan
Jesus healing the Nephites

Idispley ang larawan ni Jesus na binabasbasan ang mga batang Nephita (pahina 22). Ituro ang Aklat ni Mormon at sabihin sa mga bata na itinuturo ng Aklat ni Mormon na binasbasan ni Jesucristo ang mga bata.

Larawan
Jesus with Nephite children

Katapusan

Ipasambit sa mga bata ang, “Tinuturuan ako ng Aklat ni Mormon tungkol kay Jesucristo,” nang dahan-dahan. Sabihin sa kanila na alam ninyong totoo ang Aklat ni Mormon.

Panalangin

Pag-alayin ng pangwakas na panalangin ang isang bata.

Opsyonal na Mga Aktibidad

Paghahanda

  • Para sa bag game: Kopyahin ang mga larawang guhit sa pahina 95. Gupitin sa tulduk-tuldok na mga linya. Ilagay ang mga larawan sa isang bag o ibang sisidlan.

    Larawan
    coloring page, Book of Mormon book

    Tinuturuan Ako ng Aklat ni Mormon tungkol kay Jesucristo

    Tinuturuan Ako ng Aklat ni Mormon tungkol kay Jesucristo Itinuturo ng Aklat ni Mormon na pumarito sa mundo si Jesus (tingnan sa Alma 7:10–12).

    Itinuturo ng Aklat ni Mormon na pinagaling ni Jesus ang mga maysakit (tingnan sa 3 Nephi 17:7–10).

    Itinuturo ng Aklat ni Mormon na binasbasan ni Jesus ang mga bata (tingnan sa 3 Nephi 17:21–24).

  • Para sa aklat: Gumawa ng isang kopya ng pahina 95 para makulayan ng bawat bata.

    Larawan
    book diagram

Activity Verse

Bigkasin ang sumusunod na activity verse, at pasabayin sa inyo ang mga bata:

Basahin ang Aklat ni Mormon. (magsimula na magkadaop-palad, pagkatapos ay buklatin na parang aklat)

Araw-araw itong basahin.

Bago magsimulang mag-aral, (ituro ang ulo)

Huwag kalimutang magdasal. (humalukipkip)

[Terri Clark, “Read the Book of Mormon,” Friend, Mar. 2004, 11]

Bag Game

Papiliin ang isang bata ng isang larawang guhit mula sa bag o sisidlan. Basahin sa mga bata ang caption sa larawang guhit. Ulitin hanggang matapos ang bawat batang gustong sumali.

Aklat

Pakulayan sa bawat bata ang isang kopya ng mga larawang guhit sa pahina 95. Habang nagkukulay sila, kausapin sila tungkol sa mga larawang guhit. Ituro si Jesus sa bawat larawan. Kapag tapos na sila, itupi sa tulduk-tuldok na mga linya para makagawa ng isang aklat. Pagkatapos ay basahin ang aklat sa mga bata.