2019
Mga Paglalakbay ni Pablo Bilang Misyonero
Oktubre 2019


Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan

Mga Paglalakbay ni Pablo bilang Misyonero

Larawan
Paul on a boat

Matapos mabuhay na mag-uli si Jesus, si Apostol Pablo ay naglakbay sa iba’t ibang lupain upang turuan ang mga tao tungkol kay Jesus. Wala pang kotse o eroplano noon, kaya kadalasan ay malayo ang nilalakad niya! Kung minsan ay naglalakbay siya sa pamamagitan ng barko.

Larawan
Paul teaching

Tinuruan ni Pablo ang mga tao sa mga simbahan at mga tahanan. Tinuruan niya ang mga tao sa mababatong taluktok ng bundok at mga lansangan sa lungsod.

Larawan
Paul in prison

Hindi nagustuhan ng maraming tao ang itinuro ni Pablo. May mga pagkakataon na nabilanggo si Pablo. Nagkasakit siya paminsan-minsan.

Larawan
Paul smiling

Pero sa kabila ng lahat ng mahihirap na bagay na ito, nanampalataya si Pablo. “Lahat ng mga bagay ay aking magagawa [sa pamamagitan ni Cristo].” Alam niya na tutulungan siya ni Jesus na maging malakas.

Larawan
girl riding bike

Matutulungan din ako ni Jesucristo na maging malakas. Mahal Niya ako, at mahal ko Siya!