2018
Becky Craven
May 2018


Becky Craven

Pangalawang Tagapayo sa Young Women General Presidency

Larawan
Becky Craven

May kasabihang laging binabanggit ni Sister Becky Craven noong siya ay missionary: “Kapag alam mo kung sino ka, iba ang ikikilos mo.”

“At sa lahat ng aspetong iyan—mula sa iyong pananamit, pagsasalita, pagkilos, at sa mga aktibidad na sinasamahan mo,” sabi ni Sister Craven, na naglingkod kasama ng kanyang asawang si Ronald L. Craven, nang mangulo ito sa North Carolina Charlotte Mission mula 2012 hanggang 2015.

Si Sister Craven ay sinang-ayunan bilang Pangalawang Tagapayo sa Young Women General Presidency noong Marso 31, 2018. “Kapag nagsimulang maunawaan ng mga kabataang babae ang kanilang bahagi sa plano ng Diyos, makikita nila espirituwal na plano nila para sa kanilang sarili,” sabi niya. “Kailangang may espirituwal na plano kayo. Kung wala kayong espirituwal na plano, hindi ninyo alam kung saan kayo pupunta at hindi ninyo alam kung ano ang gagawin para makarating doon.”

Si Rebecca Lynn Craven ay ipinanganak noong Oktubre 26, 1959, sa Chardon, Ohio, USA, kina Corless Walter Mitchell at Linda Louise Kazsuk Mitchell. Ipinagmamalaki niyang tawagin ang sarili na “army brat” (batang may magulang na nasa militar). Lumaki siya sa Texas, USA, kung saan sumapi ang kanyang pamilya sa Simbahan; sa Germany, ibinuklod sila ng kanyang pamilya sa Swiss Temple; England; Utah, USA, kung saan siya nabinyagan noong unang madestino ang kanyang ama sa Vietnam; at sa Maryland, Kentucky, Missouri, at Kansas ng Estados Unidos.

Ikinasal siya noong Agosto 5, 1980, sa Salt Lake Temple. Ang mga Craven ay may limang anak.

Bago siya masang-ayunan sa kanyang bagong tungkulin, siya ay naglilingkod bilang tagapayo sa ward Relief Society presidency at bilang ordinance worker sa Bountiful Utah Temple. Naglingkod din siya bilang ward Young Women president, stake Relief Society board member, stake missionary, at lider ng Webelos.

Si Sister Craven ay nagtapos ng bachelor’s degree in interior design sa Brigham Young University, kung saan siya naglingkod sa athletic advisory committee. Siya ay naglingkod din bilang executive board member of CHOICE Humanitarian, isang pandaigdigang organisayong pangkawanggawa na nakabase sa Utah.

Mahilig siya sa hiking, water sports, snowshoeing, pagbibiyahe, pagpipinta, pananahi, at paglalaro kasama ang kanyang pamilya.