2016
Doctrinal Mastery
November 2016


Doctrinal Mastery

Sa mundo ngayon ng madaliang impormasyon sa Internet, ang mga kabataan ay lantad na sa mga taong kumakalaban sa Simbahan. Ngunit ang bagong inisyatibong tinawag na Doctrinal Mastery ay tumutulong sa mga estudyante ng seminary na magkaroon ng mas malalim na pagkaunawa sa doktrina ng ebanghelyo at mapalakas ang kanilang pananampalataya kay Jesucristo.

Natututuhan din ng mga estudyante kung paano tumugon sa mahihirap na tanong at problema sa pamamagitan ng pagkilos nang may pananampalataya, pagsusuri ng mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw, at pagsasaliksik ng karagdagang pang-unawa sa pamamagitan ng mga mapagkukunang materyal na itinakda ng Diyos.

Sa isang mensahe sa mga naglilingkod sa Seminary at Institute, ganito ang sinabi ni Elder M. Russell Ballard ng Korum ng Labindalawang Apostol tungkol sa Doctrinal Mastery: “Ang inisyatibong ito ay inspirado at napapanahon. Maganda ang magiging impluwensya nito sa ating mga kabataan.”

Ang pangunahing hangarin ng Doctrinal Mastery ay tulungan ang mga estudyante na:

  1. Magkaroon ng espirituwal na kaalaman.

  2. Maging mahusay sa doktrina ng ebanghelyo at sa mga scripture passage kung saan itinuturo ang doktrinang iyan.

Dahil sa naisagawa na sa Scripture Mastery, ang pinag-ibayong programang ito ay magbibigay ng kakayahan sa mga estudyante na mapalalim ang kanilang pagbabalik-loob at katapatan bilang mga disipulo ni Jesucristo, makakahanap ng proteksyon laban sa impluwensya ng kaaway, at mapagpapala ang buhay ng iba.

Ang Doctrinal Mastery resources ay makikita sa lds.org/si/seminary/manuals.