2016
152 Ginagamit na mga Templo
November 2016


152 Ginagamit na mga Templo

Ang Simbahan ngayon ay may 152 ginagamit na mga templo sa buong mundo. Kasama sa inilaan o muling inilaan na mga templo ang Philadelphia Pennsylvania Temple [USA], na inilaan noong Setyembre 18, 2016; ang Freiberg Germany Temple, na muling inilaan noong Setyembre 4, 2016; at ang Sapporo Japan Temple, na inilaan noong Agosto 21, 2016.

Dalawampu’t siyam pang templo ang kasalukuyang ginagawa o nire-renovate o ibinalitang itatayo. Ang mga nakaplanong ilaan sa mga nalalapit na araw ay ang Fort Collins Colorado Temple (Oktubre 16, 2016), ang Star Valley Wyoming Temple (Oktubre 30, 2016), at ang Hartford Connecticut Temple (Nobyembre 20, 2016), lahat sa USA.