2015
LDS.org Pinaghusay ang mga Function
Hulyo 2015


LDS.org Pinaghusay ang mga Function

Bukod pa sa bagong puting background at asul na mga menu, pinasimulan ng LDS.org ang pagpapahusay sa mga function nito sa pagsisimula ng taong ito.

Pinalitan ng country and language selector ang language selector, kaya mas madali nang mahahanap ng mga miyembro ang local content sa kanilang country communication pages.

Ang country communication pages ngayon ay nagtatampok ng iisang navigation menu na matatagpuan sa LDS.org: Scriptures, Teachings, Resources, at News. Dahil dito maa-access ng mga miyembro ang local content at mga materyal ng Simbahan nang hindi binubuksan ang LDS.org at makapipili sa pagitan ng local content at ng LDS.org content kapag naghahanap.