2015
Mga Ideya para sa Family Home Evening
Hulyo 2015


Mga Ideya para sa Family Home Evening

Ang isyung ito ay naglalaman ng mga artikulo at aktibidad na magagamit sa family home evening. Narito ang dalawang halimbawa.

Larawan
Joseph Smith, Jr. lying in a field and looking up at the angel Moroni. Moroni is depicted standing in the air and wearing a white robe. In the background, Joseph Smith, Sr. is depicted working in the fields.

“Ang Paglabas ng Aklat ni Mormon,” pahina 20: Sa kabila ng kanyang mga kahinaan, si Joseph Smith ay naging kasangkapan sa mga kamay ng Panginoon habang nagsisikap siyang sundin ang Tagapagligtas. Tayo man ay maaaring maging mga kasangkapan sa mga kamay ng Panginoon kapag sinikap nating magpakabuti at maging higit na katulad ni Jesucristo. Isiping mapanalanging magtakda ng ilang mithiin bilang indibiduwal at bilang isang pamilya. Maaari ninyong talakayin ang mga kalakasan at talento ng bawat miyembro ng pamilya at talakayin kung paano ninyo magagamit ang inyong mga kalakasan para tulungan ang isa’t isa na maisakatuparan ang bawat mithiin. Isalaysay kung paano magagamit ng bawat isa sa inyo ang mga kalakasan ninyo upang isulong ang gawain ng Panginoon, tulad ng ginawa ni Propetang Joseph.

Larawan
Illustration depicting two girls looking out a window.

“Paglalakbay ni Anna,” pahina 66: Isiping tumulong sa inyong pamilya na matuklasan at ingatan ang mga kuwento ng kasaysayan ng inyong pamilya. Maaari kayong magplanong interbyuhin ang isang lolo o lola, basahin ang mga journal ng pamilya at iba pang mga dokumento, o i-browse ang FamilySearch.org. Sa susunod na family home evening, ibahagi ang mga kuwento at talakayin kung paano naging bayani ang inyong mga ninuno. Isiping magdagdag ng mga kuwento sa bahaging “Memories” sa FamilySearch.org.