2015
Magsisunod Kayo sa Akin
Hulyo 2015


Magsisunod Kayo sa Akin

(Pinasimple)

“Magsisunod kayo sa ’kin,”

Ang wika ni Cristo sa ’tin,

Upang tayo’y makiisa

Sa Bugtong ng ating Ama.

“Magsisunod kayo sa ’kin,”

Simpleng turan, at taimtim

Dito’y ang katotohanang

S’yang pupukaw sa isipan.

Sapat na bang malaman lang

Na dito’y dapat S’yang sundan,

Habang tayo’y nabubuhay?

Hindi, hanggang sa langit man.

’Di lamang dito susundin,

Halimbawang alay sa ’tin,

Kundi kahit naroon na

At sa langit kapiling S’ya.