2013
Ang Ating Pahina
Hulyo 2013


Ang Ating Pahina

Gusto kong magsimba at dumalo sa klase namin sa Primary. Natututo akong magbasa, at gustung-gusto ko ang mga kuwento sa Aklat ni Mormon. Gusto naming magkapatid na tulungan ang nanay namin. Gustung-gusto naming basahin ang bahaging pambata ng Liahona. Ipinagdarasal namin sina Pangulong Monson at Sister Monson.

Alison A., edad 6, at Juana A., edad 3, Argentina

Isang araw bumisita ang Primary namin sa São Paulo Brazil Temple. Ang mga hardin doon ay mas maganda kaysa lahat ng nakita ko na. Nalaman namin na sa pamamagitan ng mga tipan na ginagawa natin sa templo, maaari nating makapiling ang ating pamilya magpasawalang-hanggan. Nagsalita sa amin ang pangulo ng templo sa waiting room, kung saan nakakita kami ng magagandang painting. Napakasarap at napakasaya ng pakiramdam ko, at sinabi sa akin ng nanay ko na Espiritu Santo iyon na nagpapatotoo sa akin na ang natutuhan ko ay totoo. Nagkaroon ako ng patotoo na ang templo ay bahay ng Panginoon.

Renato B., edad 8, Brazil

Napakaganda ng labas ng templo—maraming bulaklak doon. Pero nang ibuklod ako sa aking pamilya, nakita ko na mas maganda pa pala ang loob nito.

Nicolas M., edad 5, Colombia