Liahona, Oktubre 2011
Halina’t Basahin ang Espesyal na Isyung Ito
Iilang paksa ang karapat-dapat na talakayin at pagtuunan sa buong isyu, at ang Aklat ni Mormon ay isa sa mga ito. Sa isyung ito, ang mga propeta noon at ngayon, gayon din ang mga miyembro sa iba’t ibang panig ng mundo, ay nagpapatotoo sa natatanging aklat na ito ng mga banal na kasulatan. Mahimala ang pinagmulan nito. Ito ay nakikita at nahahawakang katibayan ng Panunumbalik. Ito ang saligang bato ng ating relihiyon. At ito ay isinulat para sa ating panahon—itinuturo ang doktrina ni Cristo nang malinaw at simple upang patatagin ang ating pananampalataya at palakasin ang ating mga pamilya.
Bagama’t hindi ninyo makikita ang karamihan sa mga bahaging nakasanayan ninyong basahin sa Liahona, ang Mensahe ng Unang Panguluhan (pahina 4) at Mensahe sa Visiting Teaching (pahina 46) ay nakapaloob dito. Ang mga mensaheng ito at lahat ng iba pang mga artikulo ay nagbabahagi ng mga patotoo at mga turo mula sa Aklat ni Mormon.
Inaanyayahan namin kayo na pag-aralan ang isyung ito nang may panalangin, isapuso ang mga mensahe, at ibahagi ang mga ito—at ang Aklat ni Mormon—sa iba.