2011
Ang Ating Pahina
Enero 2011


Ang Ating Pahina

Jerry L., edad 9, Philippines

“Family Home Evening,“ ni Nicolas M., edad 6, Brazil

Mga bata ng Primero de Mayo Branch, Bermejo Bolivia District, matapos lumahok sa kanilang pagtatanghal sa sacrament meeting.

Labis akong nagpapasalamat na isinilang ako sa isang pamilyang alam ang totoong ebanghelyo ni Jesucristo. Ang ikawalong kaarawan ko ay natapat sa Linggo ng Pagkabuhay, at tuwang-tuwa akong mabinyagan sa araw na ipinagdiriwang natin ang Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas. Medyo kabado ako, pero naroon ang tatay ko, at alam ko na mapagkakatiwalan ko siya. Sa binyag nakadama ako ng sigla at saya sa puso ko, at pagkatapos ay nalaman ko na mapagkakatiwalaan ko ang Ama sa Langit na katulad ng tatay ko.

Ako ay 11 taong gulang na ngayon, at inaasam kong makapunta sa templo upang magpabinyag para sa mga patay. Alam ko na sa pamamagitan lamang ng binyag tayo makababalik sa ating Ama sa Langit.

Mirjam S., edad 11, Switzerland

Si Sakura O., edad 8, mula sa Japan, ay bininyagan kamakailan. Binabasa niya ang Aklat ni Mormon araw-araw. Gustung-gusto niyang magsimba, manalangin, at makita ang templo. Gusto niyang sundin si Jesucristo at sinisikap niyang gumawa ng mabubuting pasiya.