2010
Ang Ating Pahina
Marso 2010


Ang Ating Pahina

Ei M., edad 11

Kyle V., edad 6, Philippines

Gustavo S., edad 11, Costa Rica

Sumapi sa Simbahan ang pamilya ko bago ako isinilang, at lagi akong nagsisimba noon pa man. Gustung-gusto kong dumalo sa Primary dahil natututo ako sa mga titser ko at ibinabahagi ko ang natutuhan ko sa aking mga kaibigan. Ang isa sa mga paborito kong kuwento sa Aklat ni Mormon ay noong ipangaral ni Ammon ang ebanghelyo kay Haring Lamoni. Palagay ko laging sasapuso’t isipan ko ang kuwentong iyon.

Kapag panahon na para maging misyonero ako, gusto kong maging kasinggiting at mapagpakumbabang tulad ni Ammon. Nais kong malaman ang tungkol sa mga banal na kasulatan at magkaroon ng malakas na patotoo tulad ni Ammon at ng misyonerong nagbinyag sa mga magulang ko. Nagpapasalamat ako sa ebanghelyo, at gusto kong ibahagi ito sa iba para malaman din nila na mahal sila ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.

Kevin S., edad 8, Costa Rica

Si Yuzaburo I., edad 4, ay naninirahan sa Malaysia. Gusto niyang gayahin ang iba at patawanin ang mga tao. Nangongolekta siya ng lahat ng uri ng kahon. Gusto niyang magpakita ng pagmamahal sa kanyang mga kaibigan.

Si Celine A., edad 9, ay mula sa Denmark. May dalawa siyang nakababatang kapatid na lalaki. Mahal niya ang dalawang alaga niyang kuneho at gusto niyang makasama ang kanyang mga pinsan. Mahilig siyang magluto ng cookies kasama ang kanyang ina at kumanta sa koro.