2009
Ang mga Inspirasyon ng Isang Propeta
Setyembre 2009


Mula sa Buhay ni Propetang Joseph Smith

Ang mga Inspirasyon ng Isang Propeta

Hango sa Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith (kurso ng pag-aaral sa Melchizedek Priesthood at Relief Society, 2008), 329–31, 337.

Pagsapit ng Nobyembre 1833 karamihan sa mga Banal sa mga Huling Araw sa Jackson County, Missouri, ay pinag-usig at pinalayas sa kanilang mga tahanan.

Noong 1834 inutusan ng Panginoon si Joseph Smith na bumuo ng isang grupo ng mga Banal sa mga Huling Araw na maglalakad mula Kirtland, Ohio, hanggang Jackson County, Missouri. Ang grupo ay tinawag na Kampo ng Sion.

Kailangan ko ang lahat ng lalaking gustong sumama. Maglalakad tayo hanggang Jackson County at babawiin ang lupaing kinuha nila sa atin.

Mahigit 200 katao ang naglakad nang mahigit 900 milya (1,450 km). Madalas ay wala silang sapat na pagkain o inumin. Piniling awayin at pintasan ng ilang lalaki ang Propeta.

Pagod na ako sa kalalakad. Dapat mas masarap ang pagkain natin.

Hindi ko akalaing napakahirap nito.

Nasasabik na ako sa asawa ko’t mga anak.

Isang araw, habang tumatawid sa isang sapa, nabaon sa putik ang isa sa mga bagon.

Hindi ito makausad.

Hindi ko na kaya. Uuwi na ako.

Huwag kayong sumuko, mga kasama. Sunggaban ninyo ang lubid na ito at hilahin.

Pagkaraan ng ilang araw, nang mapagod ang kalalakihan sa paghila ng mga bagon sa sapa, nakakita sila ng magandang lugar na titigilan. Naging masaya sila sa kauna-unahang pagkakataon.

Mga kasama, dama kong dapat tayong maglakbay sa dako pa roon. Sundan ninyo ako.

Buong araw kaming naglakbay at nagutom kami at napagod.

Humayo kayo, pero dito na lang kami.

Mga pitong milya (11 km) pa ang nilakad ni Joseph at ng isang grupo ng matatapat na kalalakihan.

Susundan kita kahit saan ka magpunta, Joseph.

Salamat, Brigham.

Siguro dapat nating sundan si Joseph.

Sige na nga. Tayo na.

Kalaunan, may natanggap na ulat ang kalalakihan ng Kampo ng Sion.

Isang grupo ng mga mandurumog ang nag-organisa para lusubin kami nang gabing iyon, doon mismo sa tinigilan namin noong una.

Labis akong nagpapasalamat sa propeta.

Mga paglalarawan nina Sal Velluto at Eugenio Mattozzi