2009
Pag-alo kay Lucy
Setyembre 2009


Pag-alo kay Lucy

“[Ang] Mang-aaliw ay pumupuno ng pag-asa at ganap na pag-ibig” (Moroni 8:26).

Nakapamaluktot si Lucy sa isang sulok ng kuwarto niya pagpasok ng nanay niya bago matulog.

“Ano’ng ginagawa mo riyan, Lucy?” tanong ni Inay.

“Gusto ko lang pong mapag-isa para mag-isip,” sabi ni Lucy, na nakasubsob ang mukha sa paborito niyang kumot—ang dilaw na bulaklaking kumot ni Inay noong bata siya.

“Gusto mo bang pag-usapan natin iyan?” tanong ni Inay, na naupo sa tumba-tumba.

Tumango si Lucy at kumandong kay Inay. “Iniisip ko po si Lola Eliza,” pabulong niyang sabi, habang ipinupunas ang kumot niya sa kanyang mga mata.

“Ah,” sabi ni Inay, na marahan siyang inuugoy. “Alam mo, nasa langit na ngayon si Lola Eliza. Palagay ko napakasaya niya roon.”

Suminghot si Lucy. “Alam ko po,” sabi niya. “Pero sabik na po ako sa kanya, at hindi ako masaya na wala na siya.”

“Ako rin naman,” sabi ni Inay habang hinahaplos ang buhok ni Lucy. “Bakit hindi natin ito ipagdasal?”

“Sige po,” pag-ayon ni Lucy. Sa tulong ni Inay, nagdasal si Lucy, “Mahal na Ama sa Langit, nalulungkot po ako na patay na si Lola Eliza, at nangungulila po ako sa kanya. Pero alam kong nasa langit na siya at masaya, at alam kong makikita ko siyang muli kapag nabuhay siyang mag-uli. Tulungan po sana ninyo ako na hindi masyadong malungkot. Sa pangalan ni Jesucristo, amen.”

Pagkasabi niya ng “amen,” tahimik na umupo sandali si Lucy. Pagkatapos ay may naisip siya. “Alam ko na ang gagawin ko! Sabi sa akin ni Tita Emma nagpapasaya sa kanya ang pagkanta ng mga awitin sa Primary. Siguro dapat nating gawin iyon!”

“Magandang ideya iyan,” sabi ni Inay.

Sabay kumanta sina Lucy at Inay ng “Ako ay Anak ng Diyos,” “Templo’y Ibig Makita,” at “Sinisikap Kong Tularan si Jesus.” Nang matapos sila, sabi ni Lucy, “Masaya na po ako, Inay.”

“Ipinaalam sa iyo ng Espiritu Santo ang gagawin para gumanda ang pakiramdam mo,” sabi ni Inay.

Ngumiti si Lucy. “Alam ko po.” Sinagot ng Ama sa Langit ang dasal ko.” Habang naiisip niya si Lola Eliza, parang nakabalot ng paborito niyang kumot ang kanyang puso. Napanatag siya.

“Mahal ko kayo, Inay,” bulong ni Lucy bago siya nakatulog. “At mahal ko rin si Lola Eliza.”

Paglalarawan ni Sam Lawlor; larawan ni Sister Matsumori na kuha ng Busath Photography