Kaibigan
Ano ang Panalangin?
Binyag at Kumpirmasyon


“Paano Tayo Nagdarasal?” Kaibigan, Agosto 2023, 24.

Paano Tayo Nagdarasal?

Larawan
alt text

Panalangin ang paraan ng pakikipag-usap natin sa Ama sa Langit. Palagi Niyang gustong makarinig mula sa iyo, at lagi Siyang nakikinig. Sinasagot Niya ang iyong mga dalangin sa maraming paraan. Maaari ka Niyang bigyan ng pahiwatig, o damdamin, mula sa Espiritu Santo. O maaari Niyang ipahiwatig sa iba na tulungan ka.

Paano Manalangin

  • Pumikit, yumuko, at humalukipkip.

  • Magsimula sa pagsasabi ng, “Mahal na Ama sa Langit.”

  • Makipag-usap sa Ama sa Langit nang may paggalang at pagpipitagan.

  • Magtapos sa pagsasabi ng, “Sa pangalan ni Jesucristo, amen.”

  • Maaari kang manalangin nang malakas o sa iyong isipan, anumang oras.

Narito ang ilang bagay na maaari mong ipagdasal.

  • Pasalamatan ang Ama sa Langit para sa mga bagay na ipinagpapasalamat mo.

  • Sabihin sa Kanya ang mahihirap o mabubuting bagay na nangyari sa iyong maghapon.

  • Humingi ng tulong sa Kanya kapag natatakot ka o hindi mo alam ang gagawin.

  • Hilingin sa Kanya na basbasan ang isang taong nangangailangan ng tulong.

Salamat po sa Inyo …

Larawan
alt text here