Kaibigan
Pumunta Ka sa Binyag Ko!
Binyag at Kumpirmasyon


“Pumunta Ka sa Binyag Ko!” Kaibigan, Agosto 2023, 14.

Pumunta Ka sa Binyag Ko!

Larawan
alt text here

Gawang-sining ni Anna Oldroyd

Gumawa ng makukulay na kard para anyayahan ang mga tao sa binyag mo! Sino ang gusto mong anyayahan? Maaari kang magdasal at makinig sa Espiritu Santo para sa ilang ideya.

  1. Itupi ang bawat papel sa gitna. Sa harap o loob ng kard, sumulat ng isang maikling sulat na nag-aanyaya sa mga tao sa binyag mo.

  2. Idagdag ang petsa, oras, at address para sa binyag mo.

  3. Isawsaw ang daliri mo sa pintura para magdagdag ng mga dekorasyon! Tingnan ang mga ideya sa pahinang ito.

  4. Ibigay ang mga kard sa mga kaibigan at kapamilya mo!

Gusto kong maipakita ang binyag ko sa mga taong mahal ko. Kaya sa tulong ng nanay ko, inanyayahan namin ng kapatid kong babae ang mga kaibigan at kaklase namin sa binyag ko. Noong araw ng binyag ko, naging maayos ang lahat. Maraming tao roon. Napakasaya ko na nabinyagan ako!

Eve O., edad 8, Fort-de-France, Martinique