2023
Gumawa ng Sarili Mong Bulaklak na Puso
Pebrero 2023


Masasayang Bagay

Gumawa ng Sarili Mong Bulaklak na Puso

“Kung paanong minahal ko kayo, magmahalan din kayo sa isa’t isa” (Juan 13:34).

Larawan
Friend Magazine, 2023-02 Feb

Ipakita ang pagmamahal mo sa isang tao sa paggawa nitong bulaklak na puso para sa kanya!

Mga Kailangan Mo

•Papel

•Gunting

•Drinking straw (isang patpat, isang panlinis ng tubo, o puwede rin ang pantuhog!)

  1. Gumupit ng apat na puso.

  2. Butasan sa pinakailalim ang bawat puso na kakasya ang straw.

  3. Ipasok ang tatlong puso sa dulo ng straw.

  4. Ipaikot ang mga puso sa straw na parang pamaypay para magmukhang mga talulot o petals. Magdagdag ng isa pang puso sa ilalim para magsilbing dahon.

  5. Ibigay ang bulaklak na puso sa isang taong mahal mo!

Mga larawang-guhit ni Kelly Smith