2023
Ang Masayang Maikling Sulat
Pebrero 2023


Ang Masayang Maikling Sulat

“Kung minsa’y kinakabahan din ang mga guro,” sabi ni Itay.

Larawan
"1. 3 girls (about age 10) peeking around a corner. Ethnicity represented, Caucasian, African American, and East Asian. 2. Stars for title treatment. 3. A teacher seeing a data-poster the girls have made. Stars and smiley faces and handwritten notes. 4. Spot illustration of Rylie and friend high-fiving."

“Welcome sa inyong lahat sa klase.”

Tumingala si Riley sa bago niyang guro at ngumiti. Mukha itong mas bata kaysa sa iba pa niyang mga guro. Gumaralgal ang boses nito nang magsalita. Umehem-ehem ito para mawala ang garalgal ng boses niya at nagpatuloy.

“Ako si Mr. Berrett.”

Nagtaas ng kamay ang isang estudyante. “Bago po ba kayo?” tanong nito.

“Oo. Kaga-graduate ko lang sa kolehiyo. Kayo ang pinakaunang klase ko.”

Pagkatapos ay ipinaliwanag ni Mr. Berrett kung ano ang matututuhan ng klase. Mahina siyang magsalita. Kung minsa’y mahirap siyang marinig.

Naririnig ni Riley na nagbubulungan ang mga bata sa likuran niya. Dahil doon ay lalo siyang nahirapang marinig ang sinabi ni Mr. Berrett. Pero ginawa ni Riley ang lahat para makinig. Nang tumingin sa kanya si Mr. Berrett, nginitian niya ito.

Sa hapunan nang gabing iyon, kinumusta ni Inay ang unang araw ni Riley sa paaralan.

“Gusto ko po ang mga klase at guro ko,” sabi ni Riley. “May isang guro po kami na baguhan talaga. Medyo kabado po siya. Pinagtatawanan po siya ng ilan sa mga bata.”

“Kung minsa’y kinakabahan din ang mga guro,” sabi ni Itay.

Ngumiti si Inay. “Natutuwa ako na naroon ka para pasayahin siya.”

Kinabukasan, narinig ni Riley ang ilang bata na nag-uusap sa pasilyo.

“Guro ko rin si Mr. Berrett,” sabi ng isa sa kanila. “Ni hindi ko siya marinig kahapon.”

“Narinig mo bang gumaralgal ang boses niya?”

“Magiging mahaba ang taon na ito,” sabi ng isa pang bata. Nagtawanan silang lahat.

Naisip ni Riley ang sinabi ni Itay na kinakabahan din ang mga guro. Kahapon ang unang araw ni Mr. Berrett sa paaralan. Siguro medyo nakakatakot iyon. Sabi ni Inay pasayahin siya. Paano iyon magagawa ni Riley?

Nang magdasal si Riley noong gabing iyon, hiniling niya sa Ama sa Langit na ipaalam sa kanya kung paano tutulungan si Mr. Berrett.

Kinabukasan, binuksan ni Riley ang baon niyang tanghalian. Nasa loob ang isang maikling sulat mula kay Inay. “Ang galing mo!” sabi roon. Ngumiti si Riley. Gustung-gusto niya ang maiikling sulat ni Inay. Ang tawag ng pamilya nila sa mga iyon ay “masasayang maiikling sulat.”

Iyon na iyon! Maaaring sumulat si Riley at ang mga kaklase niya ng masayang maikling sulat para kay Mr. Berrett!

Inanyayahan ni Riley ang ilan sa mga kaklase niya na magkita-kita sa bahay nila pagkatapos ng klase. Nilagyan nila ng dekorasyon na mga smiley face at bituin ang isang malaki at makinang na poster. Isinulat nila ang mga bagay na gusto nila kay Mr. Berrett. Isinulat nila ang mga bagay na natutuhan na nila mula sa kanya. At sinabi nila rito na natutuwa sila na maging guro nila siya.

Kinabukasan, maagang pumasok sa paaralan si Riley at ang ilang kaibigan niya. Idinikit nila ang poster sa pintuan ng silid-aralan ni Mr. Berrett. Pagkatapos ay nagtago sila sa sulok para panoorin ang nangyari.

Larawan
"1. 3 girls (about age 10) peeking around a corner. Ethnicity represented, Caucasian, African American, and East Asian. 2. Stars for title treatment. 3. A teacher seeing a data-poster the girls have made. Stars and smiley faces and handwritten notes. 4. Spot illustration of Rylie and friend high-fiving."

Hindi nagtagal ay dumating si Mr. Berrett sa kanyang silid-aralan. “Oh!” sabi nito. Pinanood ni Riley at ng kanyang mga kaklase ang pagbabasa nito ng maiikli nilang sulat. Nakangiti ito nang todo.

Nang makita ni Riley kung gaano siya kasaya, sumaya rin siya. Napangiti siya at nakipag-high five sa mga kaibigan niya.

Habang papalayo sila, narinig ni Riley na may nagsabing, “Hindi na ako makapaghintay na magpunta sa klase ni Mr. Berrett ngayon!” Hindi na rin makapaghintay si Riley.

Larawan
"1. 3 girls (about age 10) peeking around a corner. Ethnicity represented, Caucasian, African American, and East Asian. 2. Stars for title treatment. 3. A teacher seeing a data-poster the girls have made. Stars and smiley faces and handwritten notes. 4. Spot illustration of Rylie and friend high-fiving."
Larawan
Friend Magazine, 2023-02 Feb

Mga larawang-guhit ni Kübra Teber