2023
Mga Kaibigang Nawala at Natagpuan
Pebrero 2023


Mga Kaibigang Nawala at Natagpuan

Makahanap kaya ng isa pang bagong kaibigan si Leah?

Larawan
1. Rin, 8 years old, sitting at her desk on the first day of school. She has an anxious look on her face. 2. Rin and Anna jump roping together outside at recess. 3. Anna hanging out with new friends at school. Rin is being excluded. This can happen at lunch time or during recess. 4. Rin and Ellie in a sewing class together, wearing the same pair of glasses. 5. Rin praying on her knees. (Head bowed, eyes closed, arms crossed across chest) 6. Rin hugging Ellie on the first day of school, backpacks on. Ellie wearing glasses, Rin wearing no glasses.

Tumingin si Leah sa paligid ng silid-aralan sa ikatlong baitang. Maayos na nakahanay ang mga desk, at nakasabit ang makukulay na poster sa mga dingding. Kausap ng karamihan sa iba pang mga bata ang kanilang mga kaibigan.

Naupo si Leah sa desk niya. Wala siya talagang kakilala sa klaseng ito. Inasam niyang magkaroon ng bagong kaibigan sa paaralan ngayong taon.

“Uy.”

Tumingala si Leah. May naupong isang bata sa tabi niya.

“Ako si Anna,” sabi nito. “Gusto mo bang makipagkaibigan?”

Ngumiti si Leah. “Sige!”

Kalaunan ay magkasamang nananghali sina Leah at Anna. Sa break nila, naglaro sila ng four square at nagluksong-lubid. Sa pagtatapos ng araw, kumaway si Anna kay Leah sa bintana ng bus para magpaalam. “Kita tayo bukas!” sabi nito.

Larawan
1. Rin, 8 years old, sitting at her desk on the first day of school. She has an anxious look on her face. 2. Rin and Anna jump roping together outside at recess. 3. Anna hanging out with new friends at school. Rin is being excluded. This can happen at lunch time or during recess. 4. Rin and Ellie in a sewing class together, wearing the same pair of glasses. 5. Rin praying on her knees. (Head bowed, eyes closed, arms crossed across chest) 6. Rin hugging Ellie on the first day of school, backpacks on. Ellie wearing glasses, Rin wearing no glasses.

Mula noon, naging mabuting magkaibigan sina Leah at Anna. Magkasama silang naglaro araw-araw. Noong winter, gumawa sila ng mahahabang landas sa niyebe. Nang magyelo na ang niyebe, nagpadulas sila sa mga landas. Minsan ay naging magpartner sila sa isang science project tungkol sa kalawakan. Masaya si Leah nang gawin nila ni Anna ang isang poster ng mga planeta.

Pero isang araw nagsimulang kumilos nang kakaiba si Anna. Hindi niya ginantihan ang pagkaway ni Leah sa umaga. Sumali siya sa isang bagong grupo para sa math practice. At sa tanghalian, halos hindi talaga ito nagsalita.

Larawan
1. Rin, 8 years old, sitting at her desk on the first day of school. She has an anxious look on her face. 2. Rin and Anna jump roping together outside at recess. 3. Anna hanging out with new friends at school. Rin is being excluded. This can happen at lunch time or during recess. 4. Rin and Ellie in a sewing class together, wearing the same pair of glasses. 5. Rin praying on her knees. (Head bowed, eyes closed, arms crossed across chest) 6. Rin hugging Ellie on the first day of school, backpacks on. Ellie wearing glasses, Rin wearing no glasses.

“Uy,” tanong ni Leah, “ano’ng nangyayari?”

Bumuntong-hininga si Anna. “Kasi, sa tingin ko hindi tayo dapat magsama palagi. Sabi ng kaibigan kong si Audrey, kakaiba ka raw.”

“Ah.” Sumimangot si Leah. Naging masaya silang magkasama ni Anna. Bakit pahahalagahan nang husto ni Anna ang iniisip ng ibang mga bata?

Sabi ni Anna, puwede pa rin silang maging magkaibigan, pero pagkaraan niyon, hindi na nito kinausap si Lea kahit kailan. Sinikap ni Leah na hindi masaktan, pero mahirap ang mapag-isa habang nakikipaglaro si Anna sa ibang mga bata.

Hindi nagtagal ay natapos ang pasukan, at nagsimula ang summer break nila. Nanatiling abala si Leah sa maraming masasayang aktibidad. Nagpunta siya sa ballet class at cooking class. Kumuha rin siya ng sewing class kasama ang matalik niyang kaibigang si Ellie.

Larawan
1. Rin, 8 years old, sitting at her desk on the first day of school. She has an anxious look on her face. 2. Rin and Anna jump roping together outside at recess. 3. Anna hanging out with new friends at school. Rin is being excluded. This can happen at lunch time or during recess. 4. Rin and Ellie in a sewing class together, wearing the same pair of glasses. 5. Rin praying on her knees. (Head bowed, eyes closed, arms crossed across chest) 6. Rin hugging Ellie on the first day of school, backpacks on. Ellie wearing glasses, Rin wearing no glasses.

Maliliit pa sila ay magkakilala na sina Ellie at Leah. Pumasok sila sa iisang paaralan, pero hindi pa sila naging magkaklase. Kung minsa’y nagpupunta si Ellie sa bahay ni Leah para makipaglaro. Nakakita si Leah ng isang pares ng pekeng salamin na isusuot na kamukha ng kay Ellie. Natawa si Ellie doon.

“Hindi ako makapaniwala na halos patapos na ang summer,” sabi ni Ellie. “Sana mas madalas tayong nagkita.”

Ngumiti si Leah. “Oo nga.”

Malapit nang magpasukan ulit. Sabik na sabik na si Leah sa ikaapat na grado, pero medyo kabado rin siya. Ayos lang sa kanya ang mapag-isa kadalasan. Pero mahaba ang isang taon na wala siyang kaibigan sa klase niya. Naalala niya ang nadama niya nang tumigil si Anna sa pagiging kaibigan niya. Ayaw niyang malungkot.

Patuloy na nagdasal si Leah sa Ama sa Langit para mapayapa. Nang matapos ang summer, nakadama siya ng pag-asa. Alam niyang magiging OK ang mga bagay-bagay.

Larawan
1. Rin, 8 years old, sitting at her desk on the first day of school. She has an anxious look on her face. 2. Rin and Anna jump roping together outside at recess. 3. Anna hanging out with new friends at school. Rin is being excluded. This can happen at lunch time or during recess. 4. Rin and Ellie in a sewing class together, wearing the same pair of glasses. 5. Rin praying on her knees. (Head bowed, eyes closed, arms crossed across chest) 6. Rin hugging Ellie on the first day of school, backpacks on. Ellie wearing glasses, Rin wearing no glasses.

Sa unang araw ng pasukan, pumasok si Leah sa bago niyang silid-aralan.

“Leah!”

Hindi siya makapaniwala. Nasa klase niya si Ellie!

Tumakbo si Ellie kay Leah at niyakap siya. “Masayang-masaya ako na narito ka! Magiging napakaganda ng taong ito!”

Larawan
1. Rin, 8 years old, sitting at her desk on the first day of school. She has an anxious look on her face. 2. Rin and Anna jump roping together outside at recess. 3. Anna hanging out with new friends at school. Rin is being excluded. This can happen at lunch time or during recess. 4. Rin and Ellie in a sewing class together, wearing the same pair of glasses. 5. Rin praying on her knees. (Head bowed, eyes closed, arms crossed across chest) 6. Rin hugging Ellie on the first day of school, backpacks on. Ellie wearing glasses, Rin wearing no glasses.

Ngumiti nang todo si Leah. Alam niya na kasama niya ang Ama sa Langit, kahit sa mahirap na sandali. At tama si Ellie—magiging napakaganda ng taong ito!

Larawan
Friend Magazine, 2023-02 Feb

Mga larawang-guhit ni Alyssa Tallent