2022
Oras ng Sama-samang Pagkanta
Setyembre 2022


Oras ng Sama-samang Pagkanta

Larawan
children singing in Primary

“Oras na para kumanta!” sabi ni Sister Yang. “Magsimula tayo sa ‘Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon.’”

Tumayo nang tuwid si Sarah. Handa na siyang kumanta! Isa ito sa mga paborito niyang awitin.

Pagkatapos ay nakita niya ang isang batang babae na mag-isang nakaupo. Noon lamang niya ito nakita sa Primary.

Larawan
girl sitting alone

Tumugtog ang mga unang nota sa piyano. Nagsimulang kumanta si Sarah. “May mga kuwento do’n sa Aklat ni Mormon.”

Muli niyang tiningnan ang bata. Hindi ito kumakanta. Siguro hindi niya alam ang mga titik.

Gustong ibahagi ni Sarah ang paborito niyang awitin sa batang babae. Lumipat si Sarah para umupo sa tabi nito. Tumingala ang bata at ngumiti.

Ibinulong ni Sarah ang sumunod na mga titik. Sabay silang kumanta. Hindi nagtagal ay nakanta na ng bata ang lahat ng titik!

Larawan
two girls singing together

Ngayon ay tapos na ang pagkanta. “Ano’ng pangalan mo?” tanong ni Sarah.

“Ako si Alexa.” Ngumiti ang batang babae. “Salamat sa pagtulong mo sa akin! Ito ang unang beses ko na pumunta sa Primary.”

Nginitian din siya ni Sarah. “Masaya ako na narito ka!” Sigurado siyang matututo si Alexa ng maraming mabubuting bagay—at maraming magagandang awitin!

Larawan
children singing in Primary

Mga paglalarawan ni Cherie Zamazing