2022
Minamahal na mga Kaibigan
Setyembre 2022


Minamahal na mga Kaibigan,

Larawan
picture of children with actor playing Jesus

Nakakatakot ang panahong iyon para sa mga tao sa Aklat ni Mormon. Nagkaroon ng mga bagyo, sunog, at isang malaking lindol. Nagdilim sa loob ng tatlong araw. Pagkatapos ay biglang narinig ng lahat ang tinig ni Jesucristo. Sinabi Niya na nilikha Niya ang mundo. Sinabi Niya na kapag nagsisi tayo at lumapit sa Kanya, maliligtas tayo. Naiisip ba ninyo kung gaano napanatag ang mga tao? Kalaunan ay personal na pumunta si Jesus para dalawin ang mga tao. Buklatin ang pahina 24 para makita kung paano ginawa ang isang video tungkol sa magandang kuwentong ito.

Mahal namin kayo,

Ang Kaibigan

P.S. Mangyaring isulat at sabihin sa amin kung kailan ninyo nadama ang kapanatagan at pag-asa mula kay Jesucristo.