2022
Mga Tip sa Teknolohiya
Marso 2022


Mga Tip sa Teknolohiya

Larawan
pictures of kids playing outside and on a phone screen
  • Magtuon sa mabuti. Magagamit natin ang teknolohiya sa maraming magagandang paraan—tulad ng pag-aaral ng isang bagong kasanayan o pakikipag-usap sa mga kaibigan. Magtakda ng mithiin at gamitin ang teknolohiya para makatulong.

  • Magkaroon ng layunin. Magpaalam muna sa isang magulang bago ka gumamit ng tablet, computer, o telepono, at tiyakin na may dahilan ka. Kung hindi, mag-isip ng iba pang bagay na gagawin.

  • Gumamit ng timer. Bago mo gamitin ang anumang media, magpasya nang maaga kung gaano katagal mo ito gagamitin.

  • Gamitin ang teknolohiya nang maingat. Nais ng Ama sa Langit na punuin natin ang ating isipan ng mabubuting bagay. Itanong sa iyong sarili, “Tinutulungan ba ako nitong gumawa ng kabutihan at magkaroon ng magandang pakiramdam?” Kung hindi, patayin ito.

  • Unahin ang mga tao. Kapag kasama mo ang ibang tao, ibigay ang buong atensyon mo sa kanila. Huwag gamitin ang iyong telepono o iba pang teknolohiya kapag may kausap ka.

Larawang-guhit ni Mitch Miller