2022
Para sa Mas Nakatatandang mga Bata
Marso 2022


Para sa Mas Nakatatandang mga Bata

Larawan
Page from the March 2022 Friend Magazine.

Pagpapasa ng Sakramento

Larawan
Henry Riches

Kamakailan ay natanggap ko ang priesthood, at naging maganda ang pakiramdam ko habang binabasbasan ako. Ngayon, linggu-linggo na akong nagpapasa ng sakramento. Pinagaganda nito ang pakiramdam ko.

Henry R., edad 11, Utah, USA

Simpleng Paglilingkod

  • Sabihin sa isang kapamilya kung ano ang ipinagpapasalamat mo sa kanila.

  • Kausapin ang isang kaibigang matagal mo nang hindi nakikita.

  • Mag-iwan ng isang maikling sulat ng kabaitan kung saan ito matatagpuan ng isang tao.

Mungkahi para sa Paghahandang Magpunta sa Templo

Tanungin ang isang tao na nakapasok na sa loob ng templo kung ano ang nadarama nila kapag naroon sila. O tingnan ang mga larawan ng mga templo. Isulat ang inaasam mo tungkol sa templo.

Hamon sa Sining

Subukang magdrowing ng isang larawan gamit ang kamay na hindi mo karaniwang ginagamit sa pagsulat! Hilingin sa isang kaibigan na samahan kang subukan ito.

Mga Nagbibigay-inspirasyong Salita

“Sa lahat ng mga bagay ang Diyos ay gumagawa sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya” (Roma 8:28).

Mga paglalarawan ni Conner Gillette