2022
Nagmalasakit si Jesus sa mga Maysakit
Marso 2022


Pagtulong na Tulad ni Jesus

Nagmalasakit si Jesus sa mga Maysakit

Larawan
Jesus giving a woman a blessing

Saanman magpunta si Jesus, nagmalasakit Siya sa mga taong maysakit o nasaktan. Matapos mabuhay na mag-uli ni Jesus, binisita Niya ang mga Nephita. Hiniling Niya sa kanila na dalhin sa Kanya ang sinumang maysakit o nasaktan. Inalo Niya sila. Pinagaling Niya sila. Nagpasalamat ang mga tao na tinulungan sila ni Jesus.

Larawan
Collin Mallard

Gusto kong naglilingkod! Noong maysakit ang lolo ko, tumulong ako sa pag-aalaga sa kanyang pusa. Tinulungan ko rin ang tatay ko na anihin ang mga pecan at dalhin ang mga ito sa palengke.

Collin M., edad 7, Georgia, USA