Pangkalahatang Buod

Golden Gate Bridge

Ikaw ay May Layunin

Bilang anak ng Diyos, narito ka sa lupa upang matuto, umunlad, at magtamo ng mga karanasan. Noong binatilyo na si Jesus, Siya ay “lumago … sa karunungan, sa pangangatawan, at naging kalugud-lugod sa Diyos at sa mga tao” (Lucas 2:52). Tulad ng Tagapagligtas, maaari kang umunlad sa espirituwal, sa pakikipagkapwa, sa pisikal, at sa intelektuwal.

Kapag nakibahagi ka sa programang Mga Bata at Kabataan, matututuhan mong patatagin ang iyong pananampalataya kay Jesucristo, umunlad sa Kanyang landas ng tipan, at harapin ang mga hamon ng buhay. Matutularan mo ang halimbawa ng Tagapagligtas at makatutulong ka sa Kanyang gawain ng kaligtasan at kadakilaan.

We can each gain confidence in who we are as we discover and develop our talents, then use them to bless others. Like the Savior, we grow in four areas. Make a plan. Get to it. Have fun!
Narito Ka Upang Tuklasin Kung Sino Ka

Ang tatlong aspeto na pinagtutuunan sa programang Mga Bata at Kabataan ay:

  • Pag-aaral ng ebanghelyo
  • Gawaing-paglilingkod at mga aktibidad
  • Personal na pag-unlad

Ang programang ito ay nakasentro sa tahanan at sinusuportahan sa simbahan. Ang mga pamilya ang nagpapasiya kung paano pinakamainam na pag-aaralan ang ebanghelyo, maglilingkod sa iba, at uunlad na katulad ng Tagapagligtas. Sa simbahan, ang mga lider ay nagbibigay ng mga pagkakataon sa mga bata at kabataan na matuto, maglingkod, at mamuno.

Ang mga resource na ito ay sumusuporta sa pag-unlad ng mga bata at kabataan:

Tatlong brodkast ng Unang Panguluhan at ng Korum ng Labindalawang Apostol ang nagpapaliwanag sa programang Mga Bata at Kabataan.