Pagtuturo at Pagkatuto
Para sa mga Lider—Pag-orient at Pagsuporta sa mga Guro


“Para sa mga Lider—Pag-orient at Pagsuporta sa mga Guro,” Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas: Para sa Lahat ng Nagtuturo sa Tahanan at sa Simbahan (2022)

“Pag-orient at Pagsuporta sa mga Guro,” Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas

mga taong nag-uusap

Para sa mga Lider—Pag-orient at Pagsuporta sa mga Guro

Bilang lider, responsibilidad mong “makipagkita sa bagong tawag na mga guro” sa iyong organisasyon at “tulungan sila na maghanda para sa kanilang mga calling” (Pangkalahatang Hanbuk, 17.3, Gospel Library). Ang mga miting na ito ay isang oportunidad para ipaliwanag sa mga bagong guro ang kanilang sagradong tungkulin at mainspirasyunan at malaman nila ang kahulugan ng magturo sa paraan ng Tagapagligtas. Bilang lider, matutulungan mo ang mga bagong guro na maghandang maglingkod sa pamamagitan ng paggawa ng mga sumusunod:

  • Ipahayag ang pagtitiwala mo na tutulungan sila ng Tagapagligtas sa kanilang tungkulin (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 88:78).

  • Bigyan ang mga bagong guro ng kopya ng resource na ito, at hikayatin sila na maghanap ng mga paraan na magamit ang mga alituntunin nito sa kanilang pagtuturo.

  • Ibahagi sa mga bagong guro ang anumang bagay tungkol sa inyong organisasyon na makatutulong na malaman nila.

  • Kung kinakailangan, sabihin sa mga bagong guro kung saang silid sila magtuturo at kung anong lesson sila magsisimula. Ibigay ang anumang impormasyong kailangan nila tungkol sa kanilang klase at mga miyembro ng klase.

  • Ipaliwanag sa mga bagong guro na maaari mo silang tulungan sa kanilang tungkulin. Magbigay ng suporta sa silid-aralan at ng access sa mga resource para sa pagtuturo kung kinakailangan.

  • Ipaalam na oobserbahan mo paminsan-minsan ang mga klase ng mga guro, at magbigay ng feedback kapag ipinahiwatig ng Espiritu.

  • Anyayahan ang mga guro na dumalo sa teacher council meeting kada tatlong buwan.

Sa buong paglilingkod ng mga guro, patuloy na makipagkita sa kanila paminsan-minsan upang magbigay ng patuloy na suporta. Halimbawa, maaari mong kausapin sandali ang isang guro bago o pagkatapos ng klase para talakayin ang mga alituntunin ng Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas. Itanong sa guro kung ano sa palagay nila ang maayos nilang nagagawa at ang mga paraan na gusto nilang humusay pa. Hikayatin sila nang may kabaitan at pasasalamat sa paglilingkod na ibinibigay nila.

Dapat kang maghanda ka para sa mga talakayang ito sa pamamagitan ng pag-oobserba sa pagtuturo ng guro. Sikaping mas maunawaan ang mga kakayahan ng guro at alamin kung paano mo siya matutulungan. Ang pagpapahusay sa mga kakayahan ng isang guro ay kasinghalaga ng pagtukoy sa mga oportunidad na umunlad.