Pagtuturo at Pagkatuto
Mga Teacher Council Meeting—Para sa mga Magulang at Tinawag na mga Guro


“Mga Teacher Council Meeting—Para sa mga Magulang at Tinawag na mga Guro,” Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas: Para sa Lahat ng Nagtuturo sa Tahanan at sa Simbahan (2022)

“Mga Teacher Council Meeting,” Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas

klase ng Sunday School

Mga Teacher Council Meeting—Para sa mga Magulang at Tinawag na mga Guro

Bawat ward ay dapat magdaos ng quarterly teacher council meeting, kapwa para sa mga magulang at para sa mga tinawag na guro sa ward. Sa mga miting na ito, ang mga magulang at iba pang guro ay maaaring magsanggunian tungkol sa mga alituntunin ng pagtuturo na tulad ng kay Cristo (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 13.4, 13.5, 17.4, 17.5, Gospel Library).

Ang dalawang uri ng teacher council meeting ay ginaganap minsan sa isang quarter sa 50-minutong oras ng klase tuwing Linggo.

Mga Teacher Council Meeting Para sa mga Magulang

Sino ang Namumuno sa mga Miting na Ito? Karaniwan, isang miyembro ng Sunday School presidency ang namumuno sa mga teacher council meeting para sa mga magulang. Gayunman, maaaring atasan ng bishopric ang iba pang mga miyembro ng ward na mamuno sa mga miting kung minsan.

Ang ward council, sa tulong ng Sunday School presidency, ang siyang mangangasiwa sa mga teacher council meeting. Sama-sama silang nagsasanggunian tungkol sa mga pangangailangan ng mga magulang at pamilya, at nagtutulungan sila na alamin kung aling mga alituntunin mula sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas ang pinakamainam na tutugon sa mga pangangailangang iyon.

Sino ang Dapat Dumalo? Ang ward council ang nagpapasiya kung mag-aanyaya ng partikular na mga magulang o padadaluhin ang lahat ng gustong makibahagi.

Kailan Dapat Idaos ang mga Miting na Ito? Ang mga teacher council meeting para sa mga magulang ay maaaring idaos anumang araw ng Linggo, ayon sa pasiya ng ward council.

Mga Teacher Council Meeting para sa Tinawag na mga Guro

Sino ang Namumuno sa mga Miting na Ito? Karaniwan, isang miyembro ng Sunday School presidency ang namumuno sa mga teacher council meeting para sa tinawag na mga guro. Gayunman, maaaring atasan ng bishopric ang iba pang mga miyembro ng ward na mamuno sa mga miting kung minsan.

Ang ward council, sa tulong ng Sunday School presidency, ang siyang nangangasiwa sa mga teacher council meeting. Sama-sama silang nagsasanggunian tungkol sa mga pangangailangan ng mga guro at mag-aaral, at nagtutulungan sila upang matukoy kung aling mga alituntunin mula sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas ang pinakamainam na tutugon sa mga pangangailangang iyon.

Sino ang Dapat Dumalo? Lahat ng nagtuturo sa korum o klase sa ward ay dapat dumalo sa mga teacher council meeting. Inaanyayahan din ang mga miyembro ng quorum at organization presidency.

Kailan Dapat Idaos ang mga Miting na Ito? Dumadalo ang mga guro sa mga teacher council meeting tuwing Linggo kapag hindi sila nagtuturo sa kanilang regular na klase.

  • Ang mga guro sa Priesthood quorum, Relief Society, at Young Women ay maaaring dumalo sa unang Linggo o kaya’y sa ikatlong Linggo, ayon sa pasiya ng mga lokal na lider.

  • Ang mga guro sa Sunday School ay maaaring dumalo sa ikalawang Linggo o kaya’y sa ikaapat na Linggo, ayon sa pasiya ng mga lokal na lider.

  • Ang mga guro sa Primary ay maaaring dumalo anumang araw ng Linggo, ayon sa pasiya ng mga Primary at Sunday School presidency ng ward. Kung nais, ang mga guro sa Primary ay maaaring magmiting nang hiwalay sa iba pang mga guro upang magsanggunian tungkol sa kakaibang aspeto ng pagtuturo sa mga bata. Maaaring idaos ito kasabay ng 20-minutong oras ng pag-awit, bago o pagkatapos ng regular na mga miting sa araw ng Linggo, o sa ibang araw ng linggo. Mahigit sa isang teacher council meeting ang maaaring idaos kada tatlong buwan para sa mga guro ng Primary upang madaluhan nilang lahat ang mga klase sa Primary sa kaparehong linggo. (Paalala: Kung kinakailangan, ang Primary presidency ay magtatalaga ng mga substitute teacher, pagsasamahin ang mga klase, o gagawa ng iba pang pagsasaayos para makadalo ang mga guro ng Primary sa mga teacher council meeting.)

Format para sa mga Miting

Ang mga teacher council meeting—kapwa para sa mga magulang at para sa mga tinawag na guro—ay sumusunod sa format na ito:

  1. Magbahagi at magsanggunian nang magkasama (mga 20 minuto). Anyayahan ang mga magulang o mga guro na ibahagi kung ano ang epektibo sa pagtuturo nila ng ebanghelyo sa bahay o sa kanilang klase. Maaari din silang magbahagi ng mga hamon na kinakaharap nila o mga bagay na gusto nilang pagbutihin.

  2. Matuto nang magkasama (mga 15 minuto). Talakayin sa mga magulang o mga guro ang isa sa mga alituntunin sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas. Maaari ding gamitin ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin bilang sanggunian para sa mga talakayang ito.

  3. Magplano at mag-anyaya (mga 10 minuto). Anyayahan ang mga magulang o mga guro na ibahagi ang natutuhan nila sa miting at kung paano nila ito planong isagawa.

6:15