Temporal Preparedness Resources
Ikalimang Hakbang: Hikayatin ang mga Miyembro na Maghanda


“Ikalimang Hakbang: Hikayatin ang mga Miyembro na Maghanda,” Kahandaan ng mga Stake at Ward (2018)

Ikalimang Hakbang: Hikayatin ang mga Miyembro na Maghanda

Palaging hikayatin ang mga miyembro na makibahagi sa mga aktibidad para sa kahandaan at sundin ang payo na nakabalangkas sa Kahandaan ng mga Pamilya at mga polyeto na Ihanda ang Bawat Kinakailangang Bagay: Pag-iimbak ng Pagkain ng Pamilya sa Tahanan (04008) at Ihanda ang Bawat Kinakailangang Bagay: Kabuhayan ng Pamilya (04007).

Maaaring gawin ito sa pamamagitan ng:

  • Mga miting ng Elders quorum at Relief Society.

  • Mga mensahe sa sacrament meeting o kumperensya sa stake.

  • Mga mensahe mula sa mga ministering brother at sister.

Sumangguni sa plano ng stake o ward at sa kasamang mga worksheet kapag inilahad ang mga ito sa mga miyembro ng ward.