Temporal Preparedness Resources
Unang Hakbang: Tukuyin ang mga Kalamidad na Maaaring Maganap


“Unang Hakbang: Tukuyin ang mga Kalamidad na Maaaring Maganap,” Kahandaan ng mga Stake at Ward (2018)

Unang Hakbang: Tukuyin ang mga Kalamidad na Maaaring Maganap

Ilista ang mga kalamidad (likas o gawa ng tao) na malamang na mangyari sa inyong lugar. Para sa bawat uri ng kalamidad, tukuyin ang mga partikular na pagtugon na kailangang gawin. (Halimbawa, sa isang kalamidad na maaaring makapinsala ng mga bahay— tulad ng lindol, sunog, baha, o bagyo—ang isang mahalagang gawin ay ang humanap ng pansamantalang kanlungan para sa mga pamilyang kailangang lumikas.)

Gamitin ang mga worksheet na Rebyu ng mga Kalamidad at Pagpaplano Para sa Pagkaputol ng mga Serbisyo para makumpleto ang hakbang na ito.