Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Ang Propetang si Jonas


“Ang Propetang si Jonas,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan (2021)

“Ang Propetang si Jonas,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan

Jonas 1–4

Ang Propetang si Jonas

Pagkatutong magtiwala sa awa ng Panginoon

Larawan
tila malungkot si Jonas

Si Jonas ay isang propeta. Sinabi sa kanya ng Panginoon na balaan ang mga tao sa Ninive na ang kanilang lungsod ay wawasakin kung hindi sila magsisisi.

Jonas 1:1–2

Larawan
sumasakay ng barko si Jonas

Subalit ang mga tao ng Ninive ay kaaway ng mga Israelita. Ayaw mangaral ni Jonas sa kanila. Kaya sumakay siya ng barko upang maglayag palayo sa Ninive.

Jonas 1:3

Larawan
barko sa mabagyong dagat

Habang nasa barko si Jonas, isang malakas na bagyo ang dumating. Natakot para sa kanilang buhay ang mga lalaki sa barko. Hiniling nila kay Jonas na manalangin sa Panginoon para iligtas sila.

Jonas 1:4–6

Larawan
nakikipag-usap si Jonas sa mga manlalayag

Alam ni Jonas na ipinadala ng Panginoon ang bagyo dahil tinatakasan niya ang ipinagagawa sa kanya ng Panginoon. Nais sagipin ni Jonas ang mga taong lulan ng barko. Sinabi niya na kung ihahagis nila siya sa dagat, titigil ang bagyo.

Jonas 1:12

Larawan
inihagis ng mga manlalayag si Jonas sa dagat

Ayaw ng mga lalaki na ihagis si Jonas sa dagat. Tinangka nilang magsagwan papunta sa lupa, pero napakalakas ng bagyo. Sa wakas, itinapon na nila si Jonas sa dagat.

Jonas 1:13–15

Larawan
nilunok ng isang malaking isda si Jonas

Tumigil ang bagyo. Subalit nilunok ng isang malaking isda si Jonas.

Jonas 1:15, 17

Larawan
si Jonas sa dalampasigan

Nasa loob ng tiyan ng isda si Jonas sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi. Noong panahong iyon, nanalangin at nagsisi si Jonas. Ninais niyang gawin ang tama at pakinggan ang Panginoon. Dininig ng Panginoon ang mga panalangin ni Jonas at inutusan ang isda na iluwa si Jonas papunta sa tuyong lupa.

Jonas 1:17; 2:1–10

Larawan
nangangaral si Jonas sa mga tao

Muling sinabi ng Diyos kay Jonas na mangaral sa mga tao ng Ninive. Sa pagkakataong ito ay sumunod si Jonas. Nagpunta siya sa Ninive at sinabi sa mga tao na magsisi o wawasakin ng Panginoon ang kanilang lungsod. Nagsisi ang hari at ang kanyang mga tao. Pinatawad sila ng Panginoon at hindi Niya winasak ang Ninive.

Jonas 3

Larawan
mukhang galit si Jonas

Subalit nalungkot si Jonas na hindi nalipol ang mga tao. Sa palagay niya ay hindi sila karapat-dapat na mapatawad.

Jonas 4:1–2

Larawan
nakatingin si Jonas sa isang patay na puno

Upang turuan si Jonas ng aral, naghanda ng halaman ang Panginoon upang bigyan ng lilim si Jonas mula sa araw. Kalaunan ay namatay ang halaman, at naawa si Jonas dito.

Jonas 4:5–9

Larawan
tinuturuan ni Jonas ang isang grupo ng mga tao

Tinuruan ng Panginoon si Jonas ng aral tungkol sa Kanyang mga anak. Nalaman ni Jonas na dapat siyang malungkot kapag hindi nagsisisi ang mga tao at dapat siyang maging masaya kapag ginawa nila ito.

Jonas 4:10–11