“Pagkakaroon ng Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance sa Paraan ng Panginoon: ‘Nais ng Panginoon na may Pagsisikap,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“Pagkakaroon ng Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance sa Paraan ng Panginoon: ‘Nais ng Panginoon na may Pagsisikap,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan
Pagkakaroon ng Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance: Lesson 177
Pagkakaroon ng Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance sa Paraan ng Panginoon
“Nais ng Panginoon na may Pagsisikap”
Ang pagkakaroon ng self-reliance ay tumutulong sa atin na sundin ang mga turo ni Jesucristo sa paglalaan para sa ating sarili at pagpapala sa iba. Ang matutuhan ang pagiging self-reliant habang bata pa ay hahantong sa mas malaking kapasidad sa pagtanda. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan kung bakit mahalagang maging self-reliant sa plano ng Ama sa Langit para sa atin.
Paghahanda ng estudyante: Maaari mong hilingin sa mga estudyante na gawin nang mag-isa ang isang bagay na ginawa ng iba para sa kanila noon. Halimbawa, maaari silang maghanda ng pagkain, maglaba, magbayad para sa isang bagay na karaniwang binabayaran ng kanilang mga magulang, o mag-ayos ng isang bagay sa kanilang bahay.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Umuunlad tayo sa pamamagitan ng pagkilos
Bago magsimula ang klase, maaari mong bigyan ang isang estudyante ng kopya ng pahayag ni Bishop Waddell at ang isang pang estudyante ng kopya ng pahayag mula sa Mga Paksa at Mga Tanong. Anyayahan silang basahin ang mga pahayag at maghandang ibahagi ang natutuhan nila tungkol sa Tagapagligtas at kung paano nila ipaliliwanag ang self-reliance sa sarili nilang mga salita.
Maaari mong simulan ang lesson na ito sa pamamagitan ng pagpapakita ng sumusunod na larawan ng isang inakay at pagpapakita ng mga sumusunod na tanong. Maaari mong hatiin ang mga estudyante sa maliliit na grupo para talakayin ang mga tanong sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga ito nang paisa-isa at pagbibigay ng oras sa mga estudyante na talakayin ang bawat tanong.
-
Ano ang maaaring mangyari sa ibong ito kung hahayaan ng mga magulang nito na manatili ito sa pugad magpakailanman, at palagi itong bibigyan ng pagkain?
-
Sa anong mga paraan maihahambing ito sa ating progreso at pag-unlad sa plano ng Ama sa Langit para sa atin?
Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na ang karamihan sa ating paglago ay nakasalalay sa ating kahandaang matuto at maging responsable sa sarili nating progreso. Maaari kang magpatotoo tungkol sa kakayahan ng Tagapagligtas na tulungan tayo sa ating mga pagsisikap na umunlad.
Pag-asa sa sariling kakayahan o self-reliance
Maaari mong isulat sa pisara ang pag-asa sa sariling kakayahan o self-reliance at ipakita ang sumusunod na dalawang pahayag. Sabihin sa mga estudyante na basahin ang mga pahayag at maghandang ipaliwanag kung ano ang natutuhan nila tungkol sa Tagapagligtas at kung ano ang ibig sabihin ng self-reliance. Kung ibinigay mo ang mga pahayag na ito sa mga estudyante bago magklase, sabihin sa kanila na ibahagi ang mga natutuhan nila bago simulan ang talakayan sa buong klase.
Ipinaliwanag ni Bishop W. Christopher Waddell ng Presiding Bishopric:
Hindi inaasahan ng Panginoon na gumawa tayo nang higit sa ating makakaya, ngunit ang inaasahan Niya ay gawin natin ang kaya natin, kapag kaya na natin itong gawin. Tulad ng ipinaalala sa atin ni Pangulong Nelson sa nakaraang pangkalahatang kumperensya, “Nais ng Panginoon na may pagsisikap.”
…Ang ibig sabihin ng pagiging handa sa temporal at pagiging self-reliant ay ang “paniniwala na sa pamamagitan ng biyaya, o nagbibigay-kakayahang kapangyarihan, ni Jesucristo at ng ating sariling pagsisikap, kaya nating makamit ang lahat ng espirituwal at temporal na pangangailangan ng buhay na kailangan natin sa ating sarili at sa ating pamilya.” (“May Pagkain,” Liahona, Nob. 2020, 43)
Isinasaad sa Mga Paksa at Mga Tanong sa Gospel Library:
Inaanyayahan tayong lahat ng Tagapagligtas na kumilos, umasa sa sarili, at maging katulad Niya. Tutulungan Niya tayo. … Kabilang sa paraan ng Panginoon ang matutuhan at ipamuhay ang mga alituntunin ng self-reliance—“ang abilidad, tapat na pangako, at pagsisikap na tustusan ang sariling pangangailangan sa buhay at ng pamilya” (Pagtulong Ayon sa Paraan ng Panginoon: Buod ng Gabay ng Lider sa Gawaing Pangkawanggawa [2009]). (Mga Paksa at Mga Tanong, “Pag-asa sa Sariling Kakayahan, Self-Reliance,” Gospel Library)
-
Ano ang natutuhan ninyo tungkol sa Tagapagligtas mula sa mga pahayag na ito?
-
Paano ninyo ilalarawan ang self-reliance sa sarili ninyong mga salita?
Habang ibinabahagi ng mga estudyante ang kanilang mga sagot sa naunang tanong, maaari mong isulat sa pisara ang sinasabi nila sa tabi ng self-reliance. Tulungan silang maunawaan na ang pagkakaroon ng self-reliance ay tumutulong sa atin na maging higit na katulad ni Jesucristo.
Maaari mong ipakita ang mga sumusunod na tagubilin at tanong at anyayahan ang mga estudyante na pagnilayan ang kanilang sariling mga hangarin at pagsisikap na maging self-reliant.
Pag-isipan ang mga sumusunod na tanong:
-
Paano ninyo ilalarawan ang ibig sabihin para sa isang tinedyer na dagdagan ang kanyang kakayahan sa mga sumusunod na aspekto?
Kaalaman sa ebanghelyo
Mga pangangailangan sa pananalapi sa kasalukuyan at hinaharap
Edukasyon at trabaho
Mga pangangailangang pisikal
Mga pangangailangang emosyonal at panlipunan
-
Paano pagpapalain ang buhay ninyo sa mundo at ang inyong walang-hanggang pag-unlad sa pagkakaroon ninyo ng kakayahan sa alinman sa mga aspektong ito?
Mga halimbawa ng pag-asa sa sariling kakayahan o self-reliance
Maaaring makatulong sa mga estudyante na makita kung paano pinagpapala ang mga indibidwal sa mga banal na kasulatan sa pamamagitan ng kanilang mga pagsisikap na maging self-reliant para matugunan ang kanilang mga espirituwal at temporal na pangangailangan.
Maaari mong ipakita ang mga sumusunod na tagubilin, reference, at tanong. Maaari mong hatiin ang mga estudyante sa mga grupo na may tigtatatlong miyembro at anyayahan ang bawat estudyante na magbasa ng ibang reference. Pagkatapos ay maaaring ibuod ng mga estudyante sa kanilang grupo ang kanilang nabasa at ibahagi ang kanilang mga naisip mula sa mga kalakip na tanong.
Basahin ang isa sa mga sumusunod na salaysay sa banal na kasulatan at pag-isipan ang kalakip na tanong.
Moises 4:23–25; 5:1 (Sina Adan at Eva na lumilisan sa Halamanan ng Eden)
-
Paano higit na napagpala sina Adan at Eva sa utos ng Diyos sa kanila na magtrabaho para sa kanilang pagkain kumpara sa kung tutulutan ng Diyos na kusang maglaan ng makakain ang mundo para sa kanila?
Genesis 6:14–16 (Si Noe na nangangailangan ng proteksyon para sa kanyang pamilya mula sa paparating na baha)
-
Paano higit na napagpala si Noe sa paggawa niya ng arka kumpara sa kung mahimalang ibibigay lang ito ng Diyos?
Exodo 19:19–20 (Si Moises na naghahangad na makatanggap ng mga tagubilin mula sa Panginoon sa ilang)
-
Paanong ang paghihintay kay Moises na makaakyat sa Bundok bago ibigay ng Diyos ang karagdagang paghahayag ay nagpala kay Moises?
Kapag tapos nang magbahagi ang mga grupo, maaari mong ipanood ang video na “All I Needed” (1:44) para matulungan ang mga estudyante na makakita ng mga makabagong halimbawa ng mga taong nagkakaroon ng self-reliance.
Ang halimbawa ni Jesucristo
Madaling makalimutan na si Jesucristo ay naging isang binatilyo rin noon. Ang Bagong Tipan ay naglalaman ng ilang kabanata tungkol sa Kanyang mahimalang kapanganakan at maraming kabanata tungkol sa Kanyang buhay kalaunan. Gayunpaman, maaari tayong matuto nang kaunti tungkol sa kung paano Niya pinalipas ang Kanyang kabataan.
Basahin ang Lucas 2:52, at alamin ang mga aspekto kung saan lumaki at umunlad ang Tagapagligtas noong Siya ay binatilyo.
Maaari mong italaga sa maliliit na grupo ng mga estudyante ang isa sa mga aspekto (intelektuwal, pisikal, espirituwal, sosyal o panlipunan) mula sa talata 52 na pagtutuunan para sa susunod na talakayan.
Magkaroon ng talakayan sa inyong grupo tungkol sa mga paraan na ang ilang tinedyer ay:
-
Maaaring umasa sa iba nang higit sa kinakailangan nila sa aspektong iyon.
-
Mapaghuhusay ang kanilang sariling kapasidad sa aspektong iyon.
Maaaring kabilang sa ilang halimbawang maiisip ng mga estudyante ay ang pag-asa sa ibang tao na gawin ang lahat ng gawain sa isang group school assignment (intelektuwal), pag-asa sa mga magulang na gawin ang mga gawaing bahay (pisikal), pag-asa sa isang lider ng kabataan na ituro ang lahat ng lesson sa Sunday school (espirituwal), o pag-asa sa iba na magplano ng mga aktibidad para sa pagtitipon (sosyal).
Ibahagi ang natutuhan mo
Bigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na pag-isipang mabuti at ibahagi ang kanilang natutuhan o nadama tungkol sa self-reliance. Ang isang paraan para magawa ito ay sa pamamagitan ng sumusunod na aktibidad. Maaaring itong gawin ng mga estudyante nang mag-isa o may kasama.
Isipin na hiniling sa inyo ng isang lider na ibahagi sa mga kabataan sa inyong ward ang natutuhan ninyo sa seminary ngayong linggo. Isulat kung ano ang natutuhan ninyo tungkol sa self-reliance gamit ang mga sumusunod:
-
Isang paliwanag kung ano ang ibig sabihin ng self-reliance
-
Dahilan kung bakit mahalaga sa Ama sa Langit ang pagkakaroon ng self-reliance sa Kanyang plano para sa atin
-
Isang personal na halimbawa o halimbawa ng isang tao mula sa banal na kasulatan na nagpapakita ng pagiging self-reliant
-
Isang paraan na lalong magiging self-reliant ang mga tinedyer sa anumang aspekto ng kanilang buhay
Sabihin sa ilang estudyante na magboluntaryong ibahagi ang isinulat nila. Maaari mong hikayatin ang mga miyembro ng klase na isulat sa kanilang study journal ang mga natutuhan nila habang pinakikinggan nila ang kanilang mga kaklase.