Sunday School: Doktrina ng Ebanghelyo
Aralin 44: ‘Ang Dios ay Pag-ibig’


Aralin 44

“Ang Dios ay Pag-ibig”

I Juan, II Juan, at III Ni Juan

  • Anong salita ang ginamit ni Juan upang ilarawan ang Ama sa Langit sa I Ni Juan 4:8, 16? Bakit angkop ang salitang ito?

  • Basahin ang I Ni Juan 4:9–10. Anong pagpapahiwatig ng pag-ibig ng Diyos ang binanggit ni Juan sa mga talatang ito? (Tingnan din sa Juan 3:16; I Ni Juan 5:11; 2 Nephi 9:10.) Paano pagpapahiwatig ng pag-ibig sa atin ng Ama sa Langit ang pagsusugo ng kanyang Anak upang tubusin ang ating mga kasalanan?

  • Itinuro ni Juan na sasagutin ng Ama sa Langit ang ating mga panalangin kung hihiling tayo ayon sa Kanyang kalooban (I Ni Juan 5:14–15). Paano nakatulong ang panalangin upang madama ninyo ng pag-ibig ng Ama sa Langit?

  • Paano inilarawan ni Juan ang mga taong nagsasabing mahal nila ang Diyos subalit hindi “nagmamahalan sa isa’t isa”? (Tingnan sa 1 Juan 2:9, 11; 3:14–15, 17; 4:20.) Bakit sukatan ng ating pagmamahal sa Diyos ang pagmamahal natin sa ibang tao?

  • Bakit gayon na lamang ang natatanggap na kagalakan ng mga magulang kapag kanilang “marinig na ang [kanilang] mga anak ay nagsisilakad sa katotohanan”? (3 Ni Juan 1:4).

Mungkahi para sa Talakayan ng Pamilya

Sabihin sa pamilya na magkakasama kayong tutuklas. Pagkatapos ay maglakad-lakad kayo o sumakay, at maghanap ng mga bagay na makatutulong sa mga miyembro ng pamilya na makita na mahal sila ng Ama sa Langit at ni Jesucristo. Kapag nakakita ang isang miyembro ng pamilya ng isang bagay na nagpapakita ng pagmamahal ng Ama sa Langit at ni Jesucristo, isulat ito. Kapag tapos na kayong tumuklas, basahin ninyong lahat ang listahan na inyong ginawa.

Bilang bahagi ng talakayang ito ng pamilya, maaari ninyong naising awitin nang sama-sama ang “Kung Sa’n Naro’n ang Pag-ibig” (Aklat ng mga Awit Pambata).

Sangguniang mga banal na kasulatan: “Ang Umiibig sa Kaniyang Kapatid ay Nananahan sa Liwanag”

  • I Ni Juan 2:10–11

  • I Ni Juan 3:16–19

  • I Ni Juan 4:7–11

  • I Ni Juan 4:20–21

  • Juan 21:15–17

  • Moroni 7:45–48