Aralin 39
“Sa Ikasasakdal ng mga Banal”
Mga Taga Efeso
-
Ano ang itinuro ni Pablo sa Mga Taga Efeso 2:20 at Mga Taga Efeso 4:11–14 tungkol sa kahalagahan ng mga apostol at propeta? Bakit mahalaga sa tunay na Simbahan ang buhay na mga apostol at propeta? Ano ang ilang mga turo mula sa mga apostol at propeta ng mga huling araw na tumutulong sa ating umunlad tungo sa kasakdalan at pagkakaisa?
-
Paano makatutulong sa pagpapatatag ng mga ugnayan ng pamilya at pagpapanatili ng pagkakaisa sa tahanan ang payo ni Pablo sa Mga Taga Efeso 6:1–4? Anong payo ang ibinigay sa atin ng mga apostol at propeta sa mga huling araw tungkol sa mga pamilya?
-
Ano ang iba’t ibang piraso ng tinatawag ni Pablo na kagayakan ng Diyos? Ano ang isinasagisag ng bawat piraso? (Tingnan sa Mga Taga Efeso 6:13–18; Doktrina at mga Tipan 27:15–18.) Paano tayo mapangangalagaan ng bawat piraso ng kagayakan ng Diyos mula sa impluwensiya ni Satanas? Ano ang maaari nating gawin upang maisuot araw-araw ang kagayakan na ito?
Mungkahi para sa Talakayan ng Pamilya
Bigyan ang bawat miyembro ng pamilya ng isang piraso ng papel. Hilingin sa bawat tao na sirain ang kanyang papel. Pagkatapos ay bigyan ang isang miyembro ng pamilya ng makapal na aklat at sabihin sa kanyang subukang punitin ang lahat ng mga pahina nito nang sabay-sabay. Ipaliwanag na kung paanong mas matibay ang mga papel sa aklat kapag magkakasama ang mga ito, ay gayundin na mas matatag tayo kapag nagkakaisa tayo sa ating mga pamilya at sa Simbahan. Talakayin kung ano ang maaaring gawin ng inyong pamilya upang maitaguyod ang pagkakaisa sa inyong tahanan at sa inyong purok o sangay.
Sangguniang mga Banal na Kasulatan: Pagkakaisa
-
Mga Awit 133:1
-
I Mga Taga Corinto 1:10
-
Mga Taga Efeso 4:11–16