Kalusugan ng Pag-iisip
2: Bakit hindi na lang alisin ito sa akin ng Diyos o pagalingin ako?


“2: Bakit hindi na lang alisin ito sa akin ng Diyos o pagalingin ako?” Kalusugang Pangkaisipan: Tulong Para sa Akin (2019)

“Bakit Hindi Ako Pinapagaling ng Diyos?” Kalusugang Pangkaisipan: Tulong para sa Akin

Larawan
Nananalangin si Jesus sa Getsemani

Bakit hindi na lang alisin ito sa akin ng Diyos o pagalingin ako?

Ang kalusugan ng iyong pag-iisip ay may epekto sa iyong kalooban, pag-uugali, saloobin, damdamin, at emosyon at maaari ding makaapekto sa iyong espirituwalidad. Kung may problema ka sa kalusugan ng pag-iisip, maaaring magtaka ka kung bakit tinutulutan ng Diyos na maranasan mo ang mga pagsubok na ito. Paalalahanan ang sarili na ang mga pagsubok na ito ay bahagi ng buhay. Magkaroon ng walang-hanggang pananaw, at tandaan na mahal ka ng Diyos at ang mga pagsubok sa buhay ay “maikling sandali na lamang” (Doktrina at mga Tipan 121:7).