“Apendise: Mga Karaniwang Idyoma,” EnglishConnect 2 para sa mga Mag-aaral (2022)
“Mga Karaniwang Idyoma,” EnglishConnect 2 para sa mga Mag-aaral
Appendix
Common Idioms
Mga Karaniwang Idyoma
Ang mga idyoma ay mga pariralang may ibang kahulugan kaysa sa pinagsama-samang isa-isang salita. Tingnan natin ang pariralang “piece of cake.” Kapag sinabi kong, “I want a piece of cake,” iisipin kong gusto ko ng panghimagas. Ngunit kapag sinabi kong, “Learning English with EnglishConnect is a piece of cake,” ang ibig kong sabihin ay madaling matuto ng Ingles gamit ang EnglishConnect. Ang idyomang “piece of cake” ay nangangahulugang “madali.”
Ang paggamit ng mga idyoma ay isang kaswal na paraan ng pagsasalita na gagawin kang mas tunog na taal na tagasalita. Lumilikha ang mga idyoma ng mga larawan sa ating isip at binibigyan tayo ng mga partikular na damdamin. Sa Ingles, kapag ang lahat ay nasa isang sitwasyon, sinasabi nating, “We’re all in the same boat.” Lumilikha ito ng larawan ng mga taong nagtutulungan sa isang bangka upang makarating kung saan. Ang pagsabi ng, “We’re all in the same boat” ay lumilikha ng damdamin ng komunidad at pang-uunawa.
Napakasayang matuto at gumamit ng mga idyoma! Nasa ibaba ang listahan ng mga karaniwang idyoma sa Ingles.
Paano matutuhan ang mga idyoma:
-
Tingnan ang idyoma. Pag-aralan ang kahulugan at halimbawa.
-
Pag-isipang gumamit ng mga parehong idyoma sa iyong wika.
-
Mag-isip ng mga paraan para magamit ang idyoma.
-
Sumulat ng mga pangungusap gamit ang idyoma. Gamitin ito sa mga pag-uusap.
-
Pansinin ang idyoma habang nagbabasa o nakikinig ka sa Ingles.
|
Idyoma |
Depinisyon |
Halimbawa |
|---|---|---|
Idyoma a piece of cake | Depinisyon madali | Halimbawa That test was a piece of cake! |
Idyoma a blessing in disguise | Depinisyon isang magandang bagay na tila masama sa umpisa | Halimbawa She lost her job, but it was a blessing in disguise. She found a better job. |
Idyoma all in the same boat | Depinisyon lahat ay nasa parehong sitwasyon | Halimbawa Nobody can leave this room. We’re all in the same boat. |
Idyoma barking up the wrong tree | Depinisyon sinisikap na makamit ang isang bagay ngunit ginagawa ito sa maling paraan | Halimbawa If you think I’m going to loan you more money, you’re barking up the wrong tree. |
Idyoma better late than never | Depinisyon mas mainam na maganap o dumating nang huli kaysa sa hindi | Halimbawa A: He didn’t repay the money until last week. B: That’s okay. Better late than never. |
Idyoma birds of a feather flock together | Depinisyon mga taong may katulad ng karakter, pag-uugali, mga interes, o panlasa ay madalas magkakasama sa iisang grupo | Halimbawa I was right that Paul and Ben would get along. Birds of a feather flock together. |
Idyoma no use crying over spilled milk | Depinisyon hindi nakakatulong na mag-alala o tingnang muli ang mga bagay na nagkamali na hindi na mapapalitan | Halimbawa We can’t get the money back, so let’s make a new plan. It’s no use crying over spilled milk. |
Idyoma don’t count your chickens before they’re hatched | Depinisyon hindi na nakakatiyak na may mangyayari, kaya hindi ka muna dapat magplano para dito | Halimbawa A: I will probably get a raise soon, so I bought a new bed! B: Well, don’t count your chickens before they’re hatched. You might not get the raise. |
Idyoma get all your ducks in a row | Depinisyon organisahin at ihanda ang lahat para sa susunod na hakbang | Halimbawa We have to get all our ducks in a row before the family comes for a visit. Let’s start cleaning and cooking right now. |
Idyoma give me a hand | Depinisyon tulungan mo ako | Halimbawa I can’t lift this sofa on my own. Can you give me a hand? |
Idyoma hang in there | Depinisyon huwag sumuko | Halimbawa I know learning English is very difficult. Hang in there. |
Idyoma it takes two to tango | Depinisyon ang parehong taong may kinalaman sa kilos o pagkakamali ay may pananagutan | Halimbawa It is partially my fault that we were fighting. It takes two to tango. |
Idyoma keep an eye on | Depinisyon bantayang mabuti | Halimbawa My son has been misbehaving a lot lately, so please keep an eye on him to ensure that nothing goes wrong. |
Idyoma let the cat out of the bag | Depinisyon walang ingat o hayagang ibinuko ang sikreto | Halimbawa I heard that someone let the cat out of the bag, so I might as well tell you myself—I’m pregnant! |
Idyoma out of the frying pan and into the fire | Depinisyon lumipat mula sa isang masamang sitwasyon sa mas masama pang sitwasyon | Halimbawa He didn’t like his previous job, so he quit, but now he can’t find a new job. He’s out of the frying pan and into the fire. |
Idyoma go out on a limb | Depinisyon subukan ang delikadong bagay na maaaring magdala sa iyo sa mas mahinang posisyon | Halimbawa I’m going to go out on a limb here and invest some money in this project, even though I don’t know if the project will be successful. |
Idyoma preaching to the choir | Depinisyon sinusubukang kumbinsihin ang isang taong sang-ayon na sa iyo | Halimbawa They are already going to vote for him. He’s just preaching to the choir. |
Idyoma rub salt in the wound | Depinisyon pinalala ang sitwasyon sa pamamagitan ng pangungunsensiya o pagpapaalala sa kanila ng kanilang pagkakamali | Halimbawa I know I shouldn’t have done it. You don’t have to remind me and rub salt in the wound. |
Idyoma so far, so good | Depinisyon hanggang ngayon, maayos pa rin ang mga bagay | Halimbawa This first month, they haven’t had any problems building the house. So far, so good. |
Idyoma the straw that broke the camel’s back | Depinisyon isang maliit na problemang may malaking kapalit dahil ito ang huli sa sunud-sunod na mga problema | Halimbawa We had a terrible week. Everything was going wrong. So when we missed the bus, that was the straw that broke the camel’s back. |
Idyoma you’re pulling my leg | Depinisyon tinatangkang papaniwalain ang isang tao na mali ang isang bagay sa mapaglarong paraan; niloloko sila | Halimbawa No, that celebrity isn’t calling me. You’re pulling my leg. |
Note
Tala
Nasisiyahan ang mga learner na matutuhan ang mga idyoma. Narito ang ilang ideya na makatutulong sa kanilang matuto.
-
Pumili ng isang idyoma araw-araw para turuan ang mga learner. Ipaliwanag ang kahulugan at talakayin ang mga halinbawa.
-
Hayaang magsalitan ang mga learner sa paglalahad ng idyoma sa kanilang mga group member. Maaari silang maglahad ng idyoma mula sa listahan sa itaas o pumili ng isa pang pamilyar sila. Maaaring maglahad ang bawat learner nang mag-isa, o maaari silang magtulungan bilang pares.
-
Hilingin sa mga learner na paghambingin ang mga idyomang ito sa kanilang sariling wika. Halimbawa, upang magbigay ng lakas ng loob sa isang mahirap na sitwasyon, sinasabi ng mga tao mula sa Estados Unidos ang, “Hang in there!” Anong kawikaan ang may katulad na kahulugan sa sariling wika ng inyong learner?