“Apendise: Mga Laro para sa Conversation Group,” EnglishConnect 2 para sa mga Mag-aaral (2022)
“Mga Laro para sa Conversation Group,” EnglishConnect 2 para sa mga Mag-aaral
Appendix
Conversation Group Games
Mga Laro para sa Conversation Group
Kasama sa manwal na ito ang isang listahan ng masasayang laro sa pagpapraktis ng Ingles. Maaari mong laruin ang mga ito sa oras ng anumang miting ng grupo. Gamitin ang mga pattern at bokabularyo mula sa lesson na pinag-aaralan ninyo o sa nakaraang lesson. (Sa karamihan sa mga larong ito, kailangan mong makipagtulungan sa isang partner o maliit na grupo.)
Questions (10–15 minutes)
Mga tanong (10–15 minuto)
Steps
Mga Hakbang
-
Pumili ng isang tanong mula sa listahan. Tandaan na maaari mong palitan ng ibang mga salita at parirala ang nakasalungguhit na mga salita.
-
Ibahagi ang sagot mo sa grupo.
-
Magsalitan sa pagpili ng mga tanong at pagsagot.
Questions to Review Patterns:
Mga Tanong sa Pagrerebyu ng mga Pattern:
-
What do you like doing? Why?
-
Tell me about your extended family.
-
How are you and your sister different?
-
Are you happy? Why or why not?
-
Tell me about where you live.
-
What were you like as a child?
-
Tell me about your weekly routine.
-
What did you do yesterday?
-
Where were you yesterday? Why?
-
When did you finish school?
-
What happened when you moved to the United States?
-
Tell me about shopping in your city.
-
Which phone is better?
-
Tell me about your neighborhood.
-
What will you do tomorrow?
-
Tell me about your favorite holiday.
-
Tell me about your plans for the summer.
-
What do you do when you are sick?
-
Tell me about a time when you got hurt. What happened?
-
Tell me about an event next week.
-
Tell me about your last vacation.
-
What are your future plans?
More Questions:
Iba pang mga Tanong:
-
What’s your favorite thing to do on the weekend?
-
What’s your favorite place to visit?
-
Tell me about your favorite memory from your childhood.
-
Describe your favorite family tradition.
-
Name one great thing about your family.
-
What is something you really want to do in the future?
-
What adjectives best describe you?
-
Where would you like to go on vacation?
-
What is your favorite movie?
-
Tell me about your greatest adventure.
-
Tell me about your favorite food.
-
What is your dream job?
-
Who is your role model? Why?
-
Why do you want to learn English?
-
Tell me about your best friend.
-
What is one of your current goals?
Notes
Mga Tala
-
Maaaring laruin ito ng buong grupo o ng maliliit na grupo ng tatlo hanggang limang tao.
-
Hindi kayo limitado sa mga tanong sa listahang ito. Maaari kayong lumikha ng mga bagong tanong. Maaari din ninyong palitan ang nakasalungguhit na mga salita para bumuo ng iba pang mga tanong.
-
Kung gusto ninyong gawing mas mahirap ang larong ito, magsalitan sa pagbabahagi ng mga sagot na natatandaan ninyo mula sa bawat miyembro ng grupo.
-
Maaari ninyong gamitin ang mga tanong na ito sa iba pang mga laro sa ibaba tulad ng “Bicycle Chain” o “Ball Toss.”
Hot Seat (10–20 minutes)
Hot Seat (10–20 minuto)
Steps
Mga Hakbang
-
Maghati sa dalawang team.
-
Pumili ng dalawang mag-aaral (isang mag-aaral mula sa bawat team). Ang mga mag-aaral na ito ay nakaupo nang paharap sa grupo (sa “hot seat”) na patalikod sa pisara.
-
Isusulat ng inyong guro ang isang salita o parirala sa bokabularyo sa pisara. Hindi kita ng mga mag-aaral na nasa “hot seat” ang salita.
-
May dalawang minuto ang mga team para tulungan ang kanilang teammate na nasa “hot seat” na hulaan ang salita sa pisara nang hindi nagsasalita.
-
Ang taong nasa “hot seat” na unang babanggit sa salita ay makakakuha ng isang puntos para sa kanilang team. Kung sasabihin ng isang team ang salitang nasa pisara habang sinisikap na tulungan ang kanilang teammate na manghula, hindi sila makakakuha ng puntos.
-
Ulitin sa mga bagong salita.
Notes
Mga Tala
-
Gumawa ng isa hanggang tatlong team depende sa laki ng grupo.
-
Kung nagmimiting kayo virtually, maglaro bilang isang buong grupo sa halip na sa mga team. May isang tao sa “hot seat.” Hindi alam ng taong ito ang salita. May isang taong “tagabigay ng clue.” Pipili ang “tagabigay ng clue” ng isang salita at magbibigay ng mga clue para mahulaan ng taong nasa “hot seat” ang salita.
Ball Toss (10–15 minutes)
Ball Toss (10–15 minuto)
Steps
Mga Hakbang
-
Maghanap ng isang bola, isang malambot na bagay, o isang nilukot na piraso ng papel.
-
Pumili ng isang tanong. (Gumamit ng isa mula sa isang lesson o tingnan ang “Mga Tanong” sa apendiseng ito.)
-
Magtanong ng isang bagay at ihagis ang bola sa isang mag-aaral.
-
Sasaluhin ng mag-aaral ang bola at sasagutin ang tanong.
-
Muling magtatanong ang mag-aaral ng isang bagay at ihahagis ang bola sa ibang mag-aaral.
-
Ulitin hanggang sa masagot ng bawat mag-aaral sa iyong grupo ang tanong. Pagkatapos ay magsimulang muli sa isang bagong tanong.
Notes
Mga Tala
-
Para mas mapahirap ang larong ito, baguhin ang tanong tuwing ihahagis mo ang bola.
-
Kung nagmimiting kayo virtually, tumawag ng mga pangalan sa halip na maghagis ng bola.
Give One, Get One (10–20 minutes)
Give One, Get One (10–20 minuto)
Steps
Mga Hakbang
-
Pumili ng isang paksa para sa grupo (halimbawa: pamilya, sports, o pagkain).
-
Isulat ang lahat ng mga salitang alam mo tungkol sa paksa sa loob ng isa hanggang dalawang minuto.
-
Tumayo at maglakad sa paligid ng kuwarto. Maghanap ng partner.
-
Magbahagi ng isang salita sa iyong partner mula sa iyong listahan. Magbabahagi ng isang salita sa iyo ang iyong partner. Kung bagong salita ito, idagdag ang salitang nasa listahan mo.
-
Muling maglakad sa paligid ng kuwarto. Maghanap ng bagong partner. Ulitin.
Example
Paksa: pamilya
Isusulat ni partner A:
-
mom
-
dad
-
sister
-
brother
Isusulat ni partner B:
-
grandfather
-
grandmother
-
mother
-
father
-
aunt
-
uncle
A: What’s one word from your list?
B: Grandmother.
A: I don’t have that word. I’ll add it to my list.
B: What’s a word from your list?
A: Mom.
B: I have mother. I will write mom next to mother.
Idaragdag ng dalawang mag-aaral na ito ang mga bagong salita sa kanilang listahan.
Listahan ni partner A:
-
mom
-
dad
-
sister
-
brother
-
grandmother
Listahan ni partner B:
-
grandfather
-
grandmother
-
mother, mom
-
father
-
aunt
-
uncle
Notes
Mga Tala
-
Isang magandang paraan ito para matuto o magpraktis ng bagong bokabularyo na wala sa lesson.
-
Kung nagmimiting kayo virtually, magpabahagi sa bawat tao ng isang salita mula sa kanyang listahan sa buong grupo sa halip na magpares-pares.
Speculation—“I think that you …” (15–20 minutes)
Speculation—“Sa palagay ko ikaw ay …” (15–20 minuto)
Steps
Mga Hakbang
-
Mag-isip ng isang pandiwa.
-
Bigkasin nang malakas ang pandiwa.
-
Gamit ang pandiwa, bumuo ng isang tunay na pangungusap tungkol sa isa pang mag-aaral. Sabihing, “I think that you …” para simulan ang iyong pangungusap.
-
Sasabihin ng isa pang mag-aaral kung totoo o hindi ang iyong pangungusap.
-
Kung totoo, makakakuha ka ng isang puntos. Kung hindi totoo, hindi ka makakakuha ng puntos.
-
Ang unang mag-aaral na makaabot ng limang puntos ang panalo!
-
Kumpletuhin ang 10 hanggang 20 round. Baguhin ang pandiwa para sa bawat round.
Example
Learner A (sa learner B): The verb is like. I think that you like chocolate.
Learner B: That’s true! (Makakakuha ng isang puntos ang learner A.)
Learner B (sa learner C): I think that you like to play basketball.
Learner C: That’s not true! (Hindi makakakuha ng puntos ang learner B.)
Notes
Mga Tala
-
Bumuo ng mga grupo ng tatlo hanggang limang tao.
-
Ang larong ito ay malalaro nang 10 hanggang 20 round. Kakailanganin mo ng isang pandiwa para sa bawat round. Magsalitan sa pagsasabi ng isang bagong pandiwa tuwing magsisimula ka ng isang round.
Tell Me a Story! (5–15 minutes)
Kuwentuhan Mo Ako!
Steps
Mga Hakbang
-
Makipagtulungan sa isang partner o sa isang maliit na grupo.
-
Isang tao ang magsasabi ng unang pangungusap ng gawa-gawang kuwento.
-
Ang susunod na tao ang magsasabi ng susunod na pangungusap.
-
Maghalinhinan ang lahat sa pagsasabi ng isang pangungusap sa kuwento hanggang sa matapos ito.
Example
A: Yesterday, Sara and Mari missed the bus to come to conversation group.
B: They waited for the next bus, but it didn’t come.
C: They started to walk to the church.
A: Luke was driving to conversation group and saw them walking.
B: He stopped so they could go with him.
C: Sara, Mari, and Luke arrived 20 minutes late.
A: Luke was happy to help Sara and Mari.
B: He said it was a blessing in disguise that he was late.
C: They all had a fun time.
Notes
Mga Tala
-
Bumuo ng mga grupo ng tatlo hanggang limang tao.
-
Maaari mong padaliin ang aktibidad na ito sa pamamagitan ng pagpapakita ng larawan upang simulan ang kuwento.
-
Ang isa pang paraan upang padaliin ang aktibidad na ito ay hayaan ang bawat grupong magsimula gamit ang parehong pangungusap. Halimbawa, maaaring magsimula ang bawat grupo sa “I had a terrible weekend” o kaya ay “It was the best day of my life.”
Two Truths and One Lie (10–15 minutes)
Dalawang Totoo at Isang Kasinungalingan (10–15 minuto)
Steps
Mga Hakbang
-
Mag-isip ng dalawang bagay na totoo tungkol sa iyong sarili. Mag-imbento ng isang bagay na hindi totoo. Subukang gamitin ang bokabularyo at mga parirala mula sa isang lesson.
-
Basahin nang malakas ang iyong mga mensahe sa isang partner o maliliit na grupo ng tatlo hanggang limang tao.
-
Magtatanong sa iyo ang mga miyembro ng iyong grupo para mahulaan kung aling pangungusap ang hindi totoo. Sagutin ang kanilang mga tanong.
Example
Group member 1: “I like pizza. I like French fries. I like chocolate. Which is not true?”
Magtatanong ang iba pang mga miyembro ng grupo:
Q: What is your favorite kind of pizza?
A: I like cheese pizza.
Q: What is your favorite candy bar?
A: I like chocolate and caramel.
Q: Where do you like to get French fries?
A: I don’t have a favorite place.
Manghuhula ang iba pang mga miyembro ng grupo: “I think you don’t like French fries.”
Group member 1: “That’s right! I don’t like French fries.”
Vocabulary Cards (10–15 minutes)
Vocabulary Cards (10–15 minuto)
Steps
Mga Hakbang
-
Sumulat ng 5 hanggang 10 salita sa bokabularyo sa maliliit na piraso ng papel (magandang gamitin ang sticky notes). Ilagay ang mga piraso ng papel sa isang stack.
-
Maghanap ng partner.
-
Baligtarin ang mga stack ng mga salita para hindi mo makita ang mga salita. Makipagpalitan ng mga stack sa partner mo.
-
Pumili ng isang papel. Huwag tingnan ang salita. Ipatong ang papel sa iyong noo. Ilalarawan ng partner mo ang salita (o magbibigay ng isang pagsasalin), para mahulaan mo ang salitang nasa papel. Kung tama ang hula mo, makakakuha ka ng isang puntos.
-
Magsalitan. Ulitin para sa bawat papel sa iyong stack.
Notes
Mga Tala
-
Magandang paraan ito para magsanay ng bokabularyo.
-
Kung nagmimiting kayo virtually, maglaro bilang isang buong grupo sa halip na magpares-pares. Bawat tao ay maglilista ng mga salita. Huwag ipakita ang iyong listahan sa grupo. Magsalitan sa pagpili ng isang salita mula sa iyong listahan. Ilarawan ito sa grupo nang hindi binabanggit ang salita. Huhulaan ng mga miyembro ng grupo ang salita.
Dice Game 2 (10–15 minutes)
Dice Game 2 (10–15 minuto)
Steps
Mga Hakbang
-
Kailangan mo ng isang dice (o mga number card na may bilang na 1–6).
-
Pumili ng anim na pandiwa at isulat ang mga iyon sa pisara na may bilang na 1–6.
-
Pumili ng iba pang mga salita, panghalip, o panahunan at isulat ang mga iyon sa pisara na may bilang na 1–6.
-
Makipagtulungan sa isang partner o sa isang maliit na grupo na may tatlo hanggang limang tao. Pagulungin ang dice. Gamitin ang parehong numero na pinagulong mo upang bumuo ng pangungusap na may kaukulang bilang ng salita. Magsalitan.
Example
Isusulat ng inyong guro ang mga sumusunod na salita at mga panahunan sa pisara:
Mga Pandiwa
-
eat
-
play
-
talk
-
laugh
-
go
-
buy
Mga Panahunan
-
1, 3, 5 = past tense
-
2, 4, 6 = present tense
Pagugulungin ng Learner 1 ang dice at lalabas ang 6 at 3. Bubuo siya ng pangungusap gamit ang buy + past tense.
-
I bought rice and chicken at the store last night.
Pagugulungin ng Learner 2 ang dice at lalabas ang 4 at 6. Gagawa siya ng pangungusap gamit ang laugh + present tense.
-
I always laugh at my dog. He’s so silly
Pagugulungin ng Learner 3 ang dice at lalabas ang 1 at 5. Gagawa siya ng pangungusap gamit ang eat + past tense.
-
I ate pizza for lunch.
Notes
Mga Tala
-
Isa itong magandang paraan para magsanay ng panahunan (pangnagdaan, pangkasalukuyan, panghinaharap) o iba pang mga istrukturang gramatika (paggamit ng bago at pagkatapos, mga tanong, negatibong pangungusap, at iba pa).
-
Kung nagmimiting kayo virtually, makipagtulungan sa buong grupo. Gumamit ng virtual dice at magsalitan sa pagbuo ng mga pangungusap.
Bicycle Chain (in person) (10–20 minutes)
Bicycle Chain (personal) (10–20 minuto)
Ang aktibidad na ito ay gumagana lamang sa mga personal na miting ng grupo.
Steps
Mga Hakbang
-
Pumili ng isang tanong. (Gumamit ng isa mula sa isang lesson o tingnan ang “Mga Tanong” sa apendiseng ito.)
-
Pumila sa dalawang linya nang magkakaharap.
-
Ang mga taong magkakaharap ang mag-partner.
-
Ang mga partner ang magtatanong at sasagot sa tanong.
-
Maglipatan nang pabilog para magkaroon ng bagong partner ang bawat tao.
-
Ang mga partner ang magtatanong at sasagot sa tanong.
-
Ulitin ang mga hakbang 5 at 6.
Notes
Mga Tala
-
Kung hindi pantay ang dami ng mga tao sa bawat linya, bumuo ng isang grupo na may tatlong tao.
Mingle and Share (in person) (10–15 minutes)
Mingle and Share (personal) (10–15 minuto)
Ang aktibidad na ito ay gumagana lamang sa mga personal na miting ng grupo.
Steps
Mga Hakbang
-
Pumili ng isang tanong. (Gumamit ng isa mula sa isang lesson o tingnan ang “Mga Tanong” sa apendiseng ito.)
-
Tumayo at maghanap ng partner.
-
Tanungin ng isang bagay ang iyong partner. Tandaan ang sagot ng iyong partner. Sagutin ang tanong ng iyong partner.
-
Maglakad sa paligid ng kuwarto at maghanap ng bagong partner. Magtanong at sumagot sa mga tanong. Ulitin nang ilang beses sa mga bagong partner. Tandaan ang lahat ng sagot ng iyong mga partner.
-
Bumalik sa iyong upuan. Ibahagi sa grupo ang natutuhan mo.
Example
Question: What do you like to do?
Lalakad ang mga mag-aaral sa paligid na nagtatanong at sumasagot sa tanong ng iba’t ibang partner.
-
Sara: What do you like to do?
Mei: I like to dance. What do you like to do?
Sara: I like to go to karaoke.
Mei: What’s your favorite song to sing?
Sara: I don’t have a favorite song. I really like to sing with other people.
Mei: What do you like to do?
Lee: I like to play video games. What do you like to do?
Mei: I like to dance. What is your favorite game?
Lee: I like strategy games.
Ibabahagi ng mga mag-aaral sa grupo ang natutuhan nila.
-
Teacher: What does Mei like to do?
Sara: She likes to dance.
Teacher: What does Lee like to do?
Mei: He likes to play video games.