“Unit 2: Konklusyon—Paghingi ng Tulong,” EnglishConnect 2 para sa mga Mag-aaral (2022)
“Unit 2,” EnglishConnect 2 para sa mga Mag-aaral
Unit 2: Conclusion
Asking for Help
Mahusay ang mga ginawa mo sa mga lesson para sa unit 2! Natutuhan mo kung paano gumawa ng mga request at tumugon sa request ng iba. Matatalakay mo rin ang tungkol sa iyong buhay nang mas detalyado, kasama na ang iyong nadarama at mga emosyon, kung saan ka nakatira, at kung ano ka sa nakaraan. Mahahalagang kasanayan ang mga iyan! Patuloy na humingi ng tulong sa Diyos habang nililinang mo ang iyong mga kasanayan, at pagpapalain Niya ang iyong mga pagsisikap.
Evaluate
Evaluate Your Progress
Mag-ukol ng sandali para magmuni-muni at ipagdiwang ang lahat ng naisakatuparan mo.
I can:
-
Express my feelings and emotions.
Ipahayag ang mga nadarama at emosyon ko.
-
Make requests.
Gumawa ng mga request.
-
Describe where I live.
Ilarawan kung saan ako nakatira.
-
Talk about my past.
Talakayin ang tungkol sa nakaraan ko.
Para mas masubaybayan ang iyong pag-unlad, magpunta sa englishconnect.org/assessments at kumpletuhin ang opsyonal na assessment para sa unit na ito.
Evaluate Your Efforts
Rebyuhin ang iyong mga pagsisikap para sa unit na ito sa “Tracker sa Personal na Pag-aaral.” Umuunlad ka ba tungo sa iyong layunin? Ano ang magagawa mo sa ibang paraan para makamtan ang iyong mga mithiin?
Patuloy na magpraktis ng Ingles araw-araw habang naghahanda ka para sa EnglishConnect 3.
Para malaman ang iba pa kung paano mapapalawak ng EnglishConnect ang iyong mga oportunidad, bisitahin ang englishconnect.org.