EnglishConnect para sa mga Missionary
Lesson 9: Sa Bahay


“Lesson 9: Sa Bahay,” EnglishConnect 2 para sa mga Mag-aaral (2022)

“Lesson 9,” EnglishConnect 2 para sa mga Mag-aaral

pamilyang nakangiti sa labas

Lesson 9

At Home

Layunin: Matututo akong ilarawan ang nakaraang buhay ng isang tao.

Personal Study

Maghanda para sa iyong conversation group sa pamamagitan ng pagkumpleto sa aktibidad A hanggang E.

icon a
Study the Principle of Learning: Counsel with the Lord

Sumangguni sa Panginoon

I improve my learning by counseling with God daily about my efforts.

Pinaghuhusay ko ang aking pag-aaral sa pamamagitan ng pagsangguni sa Diyos araw-araw tungkol sa aking mga pagsisikap.

Ang pagkatuto ay isang prosesong nangyayari sa paglipas ng panahon. Nais ng Diyos na tulungan kang matuto at lumago. Nais Niyang tulungan kang matuto kung paano gumawa ng maliliit na hakbang para maisakatuparan ang mga dakila o malalaking bagay. May kuwento sa Aklat ni Mormon tungkol sa isang malakas na lalaking may pananampalataya na nagngangalang Alma. Siya ay isang propeta ng Diyos at pinuno ng kanyang bansa. Itinuro ni Alma:

“Sa pamamagitan ng maliliit at mga karaniwang bagay ay naisasakatuparan ang mga dakilang bagay. Makipagsanggunian sa Panginoon sa lahat ng iyong mga gawain, at gagabayan ka niya sa kabutihan” (Alma 37:6, 37).

Ang Diyos ay kumikilos sa pamamagitan ng maliliit at mga karaniwang bagay. Ang maliliit na pagkilos ay maaaring magkaroon ng malalaking resulta sa paglipas ng panahon. Tayo ay nananalangin sa Ama sa Langit sa pangalan ng Kanyang Anak na si Jesucristo. Sa pagdarasal at pag-aaral ng banal na kasulatan, maaari kang sumangguni o humingi ng payo sa Panginoon. Matutulungan ka Niyang pumili ng maliliit at mga karaniwang paraan para maging mas mahusay. Kailangan mo bang paghusayin ang iyong pag-unawa sa pakikinig? Kapag sumangguni ka sa Diyos sa panalangin, maaari kang magdesisyong gumugol ng 10 minuto sa isang araw sa pagpapraktis ng Ingles na kasama ang isang kaibigan. Nahihirapan ka bang tandaan ang mga bagong salita? Kapag sumangguni ka sa Diyos, maaari kang magpasiyang rebyuhin ang mga salita habang sakay ka ng bus. Ang iyong patuloy na pagsisikap ay maghahatid ng “mga dakilang bagay” habang natututo ka ng Ingles.

binatilyo at dalagitang nagdarasal sa kama

Ponder

  • May kasabihan ba sa kultura mo na katulad ng “maliliit at mga karaniwang bagay”?

  • Paano ka maaaring sumangguni o humingi ng payo sa Diyos tungkol sa iyong mga pagsisikap?

  • Ano ang maliliit na bagay na magagawa mo para matuto ng Ingles?

icon b
Memorize Vocabulary

Pag-aralan ang kahulugan at pagbigkas ng bawat salita sa harap ng iyong conversation group.

did/didn’t

ginawa/hindi

have/had

mayroon/nagkaroon

was/were

ay

Nouns 1

adult/adults

nasa hustong gulang/mga nasa hustong gulang

child/children

anak/mga anak

teenager/teenagers

tinedyer/mga tinedyer

young adult/young adults

young adult/mga young adult

Nouns 2

bike

bisikleta

chicken

manok

house

bahay

moped

moped

Adjectives

athletic

malakas/magaling sa mga pisikal na laro

calm

kalmado

creative

malikhain

friendly

palakaibigan

funny

nakakatawa

kind

mabait

mean

salbahe

shy

mahiyain

talkative

madaldal

wild

ligaw

icon c
Practice Pattern 1

Magpraktis na gamitin ang mga pattern hanggang sa maging tiwala kang magtanong at sumagot sa mga tanong. Maaari mong palitan ang nakasalungguhit na mga salita ng mga salita sa bahaging “Memorize Vocabulary.”

Q: What were you like as a (noun 1)?A: I was (adjective).

Questions

pattern 1 na tanong na ano ka dati bilang pangngalan 1

Answers

pattern 1 na sagot na ako ay pang-uri

Examples

batang naghahandang tumakbo sa karera

Q: What were you like as a child?A: I was athletic.

Q: What was she like as a teenager?A: She was talkative.

Q: What were they like as children?A: They were wild.

Q: What were you like as teenagers?A: We were friendly.

icon d
Practice Pattern 2

Magpraktis na gamitin ang mga pattern hanggang sa maging tiwala kang magtanong at sumagot sa mga tanong. Subukang matutuhan ang iba pa tungkol sa mga pattern sa lesson na ito. Isiping gumamit ng mga grammar book o website.

Q: Did you have a (noun 2)?A: Yes, I had a (noun 2), but I wanted a (noun 2).

Questions

pattern 2 na tanong na mayroon ka bang pangngalan 2

Answers

pattern 2 na sagot na oo nagkaroon ako ng pangngalan 2 pero gusto ko ng pangngalan 2

Examples

Q: Did you have a bike?A: Yes, I had a bike, but I wanted a moped.

pamilyang nagpapatuka ng manok

Q: Did she have chickens?A: Yes, she had three chickens.

Q: Did they have a house?A: No, they didn’t have a house, but they wanted a house.

lalaking nakasakay sa moped

Q: Did you have a moped?A: Yes, we had a moped.

icon e
Use the Patterns

Sumulat ng apat na tanong na maaari mong itanong sa iba. Sumulat ng sagot sa bawat tanong. Basahin ang mga iyon nang malakas.

Additional Activities

Kumpletuhin online ang mga aktibidad at assessment sa lesson sa englishconnect.org/learner/resources o sa EnglishConnect 2 Workbook.

Act in Faith to Practice English Daily

Patuloy na magpraktis ng Ingles araw-araw. Gamitin ang iyong “Tracker sa Personal na Pag-aaral.” Rebyuhin ang iyong mithiin sa pag-aaral at i-evaluate ang iyong mga pagsisikap.

Conversation Group

Discuss the Principle of Learning: Counsel with the Lord

(20–30 minutes)

binatilyo at dalagitang nagdarasal sa kama

icon 1
Activity 1: Practice the Patterns

(10–15 minutes)

Rebyuhin ang listahan ng bokabularyo na may kasamang partner.

Praktisin ang pattern 1 na may kasamang partner:

  • Magpraktis na magtanong.

  • Magpraktis na sumagot sa mga tanong.

  • Magpraktis na makipag-usap gamit ang mga pattern.

Ulitin para sa pattern 2.

icon 2
Activity 2: Create Your Own Sentences

(10–15 minutes)

Tingnan ang mga larawan. Magtanong at sumagot sa mga tanong tungkol kina Itzak at Marta. Pag-usapan kung ano sila noon bilang bata, mga tinedyer, at mga young adult. Pag-usapan kung ano ang mayroon sila noon. Maging malikhain! Magsalitan.

New Vocabulary

boat

bangka

Example: Itzak

  • A: What was Itzak like as a child?

  • B: He was shy.

  • A: Did he have a bike?

  • B: Yes, he had a bike, but he wanted a moped.

Itzak

lalaking magpapakuha ng larawan

Image 1

mahiyaing batang nagtatago sa likod ng mga kamay

Image 2

lalaking nagbibisikleta papunta sa trabaho

Image 3

bakanteng bangka sa malawak na tubigan

Marta

babaeng pula ang buhok na nakangiti

Image 1

grupo ng magkakaibigang tinedyer na nasa labas

Image 2

pamilyang nagpapatuka ng manok

Image 3

pulang bahay sa tabi ng dagat

icon 3
Activity 3: Create Your Own Conversations

(15–20 minutes)

Part 1

Magtanong at sumagot sa mga tanong kung ano ka bilang bata, tinedyer, at young adult. Pag-usapan kung ano ang mayroon ka. Sabihin ang lahat ng maaari mong sabihin. Magsalitan.

Example
  • A: What were you like as a teenager?

  • B: I was wild!

  • A: Did you have a moped?

  • B: Yes, I had a moped, but I wanted a boat.

  • A: Did you have kind teachers or mean teachers?

  • B: I had kind teachers.

Part 2

Pumili ng tatlong miyembro ng pamilya. Magtanong at sumagot sa mga tanong na tungkol sa kung ano sila bilang mga bata, tinedyer, at mga young adult. Pag-usapan kung ano ang mayroon sila noon. Sabihin ang lahat ng maaari mong sabihin. Magsalitan.

New Vocabulary

car

kotse

disobedient

hindi sumusunod

outgoing

palalabas

Example
  • A: What was your brother like as a teenager?

  • B: My brother was funny, outgoing, and disobedient.

  • A: Did he have long hair or short hair?

  • B: He had long hair.

  • A: Did he have a car?

  • B: No, he had a bike, but he wanted a car.

Evaluate

(5–10 minutes)

I-evaluate ang iyong pag-unlad sa mga layunin at sa mga pagsisikap mong magpraktis ng Ingles araw-araw.

Evaluate Your Progress

I can:

  • Ask what others were like in the past.

    Tanungin kung paano ang iba sa nakaraan.

    mukha na walang damdamin, kuntentong mukha, masayang mukha
  • Talk about what I and others were like in the past.

    Pag-usapan kung ano ako at ang iba sa nakaraan.

    mukha na walang damdamin, kuntentong mukha, masayang mukha
  • Ask what others had in the past.

    Tanungin kung anong mayroon ang iba sa nakaraan.

    mukha na walang damdamin, kuntentong mukha, masayang mukha
  • Talk about what I and others had in the past.

    Pag-usapan kung ano ang mayroon ako at ang iba sa nakaraan.

    mukha na walang damdamin, kuntentong mukha, masayang mukha

Evaluate Your Efforts

I-evaluate ang iyong mga pagsisikap na:

  1. Pag-aralan ang alituntunin ng pagkatuto.

  2. Isaulo ang Bokabularyo.

  3. Praktisin ang mga pattern.

  4. Magpraktis araw-araw.

Magtakda ng mithiin. Isaalang-alang ang mga mungkahi sa pag-aaral sa “Tracker sa Personal na Pag-aaral.”

Ibahagi ang iyong mithiin sa isang partner.

Act in Faith to Practice English Daily

“Maaari tayong manalangin sa ating Ama sa Langit at tumanggap ng patnubay at direksyon, mabalaan sa panganib at ligalig, at mabigyan ng kakayahan na gumawa ng mga bagay na hindi natin kakayanin nang mag-isa. …

“Manalangin … at [pagkatapos ay] makinig! Isulat ang mga naiisip ninyo. Itala ang inyong nadama at isagawa ang mga bagay na ipinahiwatig sa inyong gawin” (Russel M. Nelson, “Paghahayag para sa Simbahan, Paghahayag para sa Ating Buhay,” Liahona, Mayo 2018, 94–95).