Bagong Tipan 2023
Karagdagang Resources


“Karagdagang Resources” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: Bagong Tipan 2023 (2022)

“Karagdagang Resources,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: 2023

Larawan
pamilyang nag-aaral ng mga banal na kasulatan

Karagdagang Resources

Ang resources na ito ay matatagpuan sa Gospel Library app at sa SimbahanniJesucristo.org.

Mga Himno at Aklat ng mga Awit Pambata

Ang sagradong musika ay nag-aanyaya sa Espiritu, nagpapadama sa atin ng pagmamahal ng Diyos, at nagtuturo ng doktrina sa di-malilimutang paraan. Bukod sa paggamit ng mga print version ng Mga Himno at ng Aklat ng mga Awit Pambata, matatagpuan mo ang mga audio recording ng maraming himno at awiting pambata sa music.ChurchofJesusChrist.org at sa Sacred Music at Gospel Media apps.

Mga Manwal sa Seminary at Institute

Ang mga manwal sa seminary at institute ay nagbibigay ng mga impormasyon sa kasaysayan at komentaryo tungkol sa doktrina ng mga alituntunin at salaysay na matatagpuan sa mga banal na kasulatan.

Mga Magasin ng Simbahan

Ang mga magasing Kaibigan, Para sa Lakas ng mga Kabataan, at Liahona ay may mga kuwento at aktibidad na maaaring makadagdag sa mga alituntuning itinuturo mo mula sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya.

Mga Paksa ng Ebanghelyo

Sa Mga Paksa ng Ebanghelyo (topics.ChurchofJesusChrist.org), matatagpuan mo ang pangunahing impormasyon tungkol sa iba’t ibang paksa ng ebanghelyo, pati na ang mga link sa makakatulong na resources, tulad ng kaugnay na mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya, artikulo, banal na kasulatan, at video.

Mga Kuwento sa Bagong Tipan

Ang Mga Kuwento sa Bagong Tipan ay makakatulong sa mga bata na matutuhan ang doktrina at mga kuwentong matatagpuan sa Bagong Tipan.

Coloring Book ng mga Kuwento sa Banal na Kasulatan—Bagong Tipan

Ang resource na ito ay naglalaman ng masasayang pahina ng aktibidad sa pagkukulay na dinisenyo upang mapahusay ang pagkatuto ng mga bata mula sa Bagong Tipan.

Mga Video at Sining

Ang mga likhang-sining, video, at iba pang media ay makakatulong sa inyong pamilya na maunawaan ang doktrina at ilarawan sa iyong isipan ang mga kuwentong may kaugnayan sa mga banal na kasulatan. Bisitahin ang Gospel Media sa GospelMedia.ChurchofJesusChrist.org para ma-browse ang koleksiyon ng media resources ng Simbahan. Ang Gospel Media ay available din sa mobile app. Maraming larawan na magagamit mo sa klase ang matatagpuan sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo.

Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas

Ang Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas ay maaaring makatulong sa iyo na matutuhan at gamitin ang mga alituntunin ng pagtuturo na tulad ni Cristo.