Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya


“Paggamit ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya,Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: Bagong Tipan 2019 (2019)

“Paggamit ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya,Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: 2019

Paggamit ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya

Para Kanino ang Resource na Ito?

Ang resource na ito ay para sa bawat tao at pamilya sa Simbahan. Layon nito na tulungan kang matutuhan ang ebanghelyo—mag-isa ka man o kasama ang inyong pamilya. Kung hindi mo regular na napag-aralan ang ebanghelyo noong araw, matutulungan ka ng resource na ito na magsimula. Kung nakasanayan mo ang pag-aaral ng ebanghelyo, ang resource na ito ay makakatulong sa iyo na magkaroon ng mas makabuluhang mga karanasan.

Paano Ko Dapat Gamitin ang Resource na Ito?

Gamitin ang resource na ito sa anumang paraan na makakatulong sa iyo. Maaari itong makatulong sa iyo bilang gabay o tulong sa pag-aaral ng banal na kasulatan nang mag-isa o kasama ang inyong pamilya. Magagamit mo rin ito sa family home evening. Ang mga outline ay nagtatampok ng mahahalagang alituntuning matatagpuan sa Bagong Tipan, nagmumungkahi ng mga ideyang pag-aaralan at mga aktibidad para sa mga indibiduwal at pamilya, at naglalaan ng mga lugar para maitala ang iyong mga impresyon.

Ikaw at ang inyong pamilya ay maaaring regular nang pinag-aaralan ang ebanghelyo. Siguro’y minimithi ninyong basahin ang Aklat ni Mormon. O siguro’y binabasa ninyo ang isa pang aklat ng banal na kasulatan para sa isang klase sa seminary o institute. Ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin ay hindi sinadya upang palitan o makipagpaligsahan sa mabubuting bagay na ginagawa mo. Maaaring may mga paraan para regular na matuto mula sa Bagong Tipan at maisakatuparan pa rin ang iba mo pang mga mithiin sa pag-aaral ng banal na kasulatan. Halimbawa, maaari mong patuloy na basahin ang Aklat ni Mormon para sa iyong personal na pag-aaral at basahin ninyo ng inyong pamilya ang Bagong Tipan (o vice versa). O, habang binabasa mo ang Bagong Tipan, maaari kang maghanap ng mga talata sa Aklat ni Mormon na nagpapatibay sa natututuhan mo. Sundin ang patnubay ng Espiritu upang malaman kung paano mo gagawin ang personal na pag-aaral mo ng salita ng Diyos.

Paano Nauugnay ang Resource na Ito sa Nangyayari sa Simbahan?

Ang mga outline sa resource na ito ay inorganisa ayon sa lingguhang iskedyul ng pagbabasa. Ang mga aral na itinuturo sa mga klase sa Primary at Sunday School ay iisa ang sinusunod na iskedyul. Para suportahan ang mga pagsisikap mong matutuhan at maipamuhay ang ebanghelyo sa tahanan, bibigyan ka ng iyong mga guro ng mga pagkakataong ibahagi ang iyong mga karanasan, ideya, at tanong tungkol sa mga talata ng banal na kasulatan na pinag-aaralan mo sa buong linggo.

Ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary at Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School ay may mga outline para sa bawat linggo ng taon maliban sa dalawang araw ng Linggo kung kailan idinaraos ang pangkalahatang kumperensya. Kapag hindi nagdaraos ng regular na mga miting sa Simbahan dahil sa mga stake conference o iba pang dahilan, inaanyayahan kang patuloy na pag-aralan ang Bagong Tipan sa tahanan. Maaaring laktawan ng mga klase mo sa Simbahan ang nakaiskedyul na mga lesson para sa mga petsang iyon o pagsamahin ang dalawang lesson para makaagapay sa iskedyul.

Kailangan Ko Bang Sundin ang Iskedyul?

Ang iskedyul ay tutulong sa iyong umagapay sa materyal na tatalakayin sa mga klase tuwing Linggo, ngunit huwag magpatali rito; ang iskedyul ay gabay lamang para tulungan kang orasan ang sarili mo. Ang mahalaga ay natututuhan mo ang ebanghelyo nang mag-isa at bilang pamilya.

Larawan
pamilyang nagbabasa ng mga banal na kasulatan