Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Karagdagang Resources


“Karagdagang Resources” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: Bagong Tipan 2019 (2019)

“Karagdagang Resources,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: 2019

Larawan
pamilyang nakatingin sa tablet computer

Karagdagang Resources

Lahat ng resources na ito ay matatagpuan sa Gospel Library app at sa LDS.org.

Mga Magasin ng Simbahan

Ang mga magasing Friend, New Era, Ensign, at Liahona ay may mga kuwento at aktibidad na maaaring makaragdag sa mga alituntuning itinuturo mo mula sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya.

Mga Himno at ang Aklat ng mga Awit Pambata

Ang sagradong musika ay nag-aanyaya sa Espiritu at nagtuturo ng doktrina sa paraang madali itong matandaan. Bukod pa sa mga print version ng Mga Himno at ng Aklat ng mga Awit Pambata, makakakita ka ng mga audio at video recording ng maraming himno at mga awiting pambata sa music.lds.org at sa LDS Music app.

Mga Kuwento sa Bagong Tipan

Ang Mga Kuwento sa Bagong Tipan (2005) ay makakatulong sa mga bata na matutuhan ang doktrina at mga kuwentong matatagpuan sa Bagong Tipan.  

Mga Manwal sa Seminary at Institute

Ang mga manwal sa seminary at institute ay nagbibigay ng mga impormasyon sa kasaysayan at komentaryo tungkol sa doktrina ng mga alituntunin at salaysay na matatagpuan sa mga banal na kasulatan.

 

   

Tapat sa Pananampalataya

Kung kailangan mo ng karagdagang tulong para maunawaan ang mga pangunahing alituntunin ng ebanghelyo, isiping tingnan ang Tapat sa Pananampalataya (2004). Ang resource na ito ay binubuo ng isang alpabetikong listahan ng mga paksa ng ebanghelyo na ipinaliwanag sa simpleng mga kataga.