Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Agosto 5–11. Mga Taga Roma 1–6: ‘Siyang Kapangyarihan ng Diyos sa Ikaliligtas’


“Agosto 5–11. Mga Taga Roma 1–6: ‘Siyang Kapangyarihan ng Diyos sa Ikaliligtas’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: Bagong Tipan 2019 (2019)

“Agosto 5–11. Mga Taga Roma 1–6,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: 2019

Larawan
sumusulat ng liham si Pablo

Agosto 5–11

Mga Taga Roma 1–6

“Siyang Kapangyarihan ng Diyos sa Ikaliligtas”

Ang pagtatala ng mga paramdam ay makakatulong sa iyo na alalahanin ang itinuturo sa iyo ng Espiritu. Isiping itala din ang nadarama mo tungkol sa mga pahiwatig na ito.

Itala ang Iyong mga Impresyon

Nang isulat si Pablo ang kanyang liham sa mga miyembro ng Simbahang Romano, na may iba’t ibang grupo ng mga Judio at Gentil, ang Simbahan ni Jesucristo ay lalo pang lumago kaysa sa isang maliit na grupo lamang ng mga mananampalataya mula sa Galilea. Mga 20 taon matapos ang Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas, may mga kongregasyon ng mga Kristiyano sa halos lahat ng dako na maaaring mapuntahan ng mga Apostol—kabilang ang Roma, kabisera ng isang malaking imperyo. Ngunit kahit ang mga mambabasa o tagapakinig ni Pablo ay ang mga banal sa Roma, ang kanyang mensahe ay para sa lahat, at kasama tayong lahat dito: “Ang evanghelio [ni Cristo ay] siyang kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng bawa’t sumasampalataya” (Mga Taga Roma 1:16, idinagdag ang italics).

Larawan
icon ng personal na pag-aaral

Mga Ideya para sa Personal na Pag-aaral ng Banal na Kasulatan

Mga Taga Roma–Filemon

Ano ang mga sulat at paano inaayos ang mga ito?

Ang mga sulat ay mga liham ng mga lider ng Simbahan sa mga Banal sa iba’t ibang panig ng mundo. Isinulat ni Apostol Pablo ang karamihan sa mga liham sa Bagong Tipan—simula sa Mga Taga Roma at nagtatapos sa Filemon. Ang mga liham o sulat ni Pablo ay inayos ayon sa haba. Bagama’t Mga Taga Roma ang unang sulat o liham sa Bagong Tipan, ito ay talagang isinulat nang malapit nang matapos ang paglalakbay ni Pablo bilang missionary. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa liham o sulat, tingnan ang Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Sulat ni Pablo, Mga.”)

Mga Taga Roma 1–6

Kapag nagpapakita ako ng pananampalataya sa Tagapagligtas sa pagsunod sa Kanyang mga utos, ako ay nabibigyang-katuwiran sa pamamagitan ng Kanyang biyaya.

Ang mga sumusunod na kahulugan ay maaaring makatulong sa iyo na mas maunawaan ang Sulat sa Mga Taga Roma:

Ang batas:Nang isulat ni Pablo ang tungkol sa “batas,” ang tinutukoy niya ay ang batas ni Moises. Gayundin, ang salitang “mga gawa” sa mga sulat ni Pablo ay madalas na tumutukoy sa mga seremonya at rituwal ng batas ni Moises. Inihambing ni Pablo ang batas na ito sa “kautusan ng pananampalataya” (tingnan sa Mga Taga Roma 3:27–31), o ang doktrina ni Jesucristo, na siyang tunay na pinagmumulan ng ating kaligtasan.

Pagtutuli, di-pagtutuli:Noong unang panahon, ang pagtutuli ay isang tanda o simbolo ng tipan na ginawa ng Diyos kay Abraham. Ginamit ni Pablo ang salitang “pagtutuli” na tumutukoy sa mga Judio (mga pinagtipanang tao) at ang “di-pagtutuli” upang tukuyin ang mga Gentil (mga taong hindi kabilang sa tipan ni Abraham). Ang pagtutuli ay hindi na kailangan bilang tanda ng tipan ng Diyos sa Kanyang mga tao (tingnan sa Mga Gawa 15:23–29).

Pag-aaring ganap, ariing ganap, inaring ganap:Ang mga katagang ito ay tumutukoy sa kapatawaran, o pagpapatawad, ng kasalanan. Kapag tayo ay inaaring-ganap, tayo ay pinatatawad, ipinapahayag na walang kasalanan, at pinalalaya mula sa walang-hanggang kaparusahan para sa ating mga kasalanan. Tulad ng ipinaliwanag ni Pablo, ito ay posible sa pamamagitan ni Jesucristo (tingnan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Pagbibigay-Katwiran, Pangatwiranan.”   Sa Mga Taga Roma, ang mga salitang tulad ng mabubuti at kabutihan ay maaaring kasing-kahulugan ng mga salitang matuwid at katwiran.

Biyaya:Ang biyaya ay “banal … na tulong o lakas mula sa langit, na ibinigay sa pamamagitan ng saganang awa at pagmamahal ni Jesucristo.” Sa pamamagitan ng biyaya, lahat ng tao ay mabubuhay na mag-uli at tatanggap ng kawalang-kamatayan. Bilang karagdagan, “Ang biyaya ay isang kapangyarihang tumutulong sa kalalakihan at kababaihan na magtamo ng buhay na walang-hanggan at kadakilaan matapos nilang magawa ang lahat ng makakaya nila.” Hindi natin nakakamit ang biyaya sa pamamagitan ng ating mga pagsisikap; sa halip, biyaya ang nagbibigay sa atin ng “kapangyarihan at lakas, na nagbibigay-kakayahan sa atin na makamtan ang mga bagay na hindi natin kayang makamit” (Bible Dictionary, “Grace”; tingnan din sa Dieter F. Uchtdorf, “Ang Kaloob na Biyaya,” Ensign o Liahona, Mayo 2015, 108; 2 Nephi 25:23).

Mga Taga Roma 2:17–29

Ang aking panlabas na kilos ay kailangang kakitaan at magdagdag ng panloob na pagbabalik-loob.

Ipinakikita ng mga turo ni Pablo na naniniwala pa rin ang ilan sa mga Kristiyanong Judio sa Roma na ang pagsunod sa mga seremonya at mga rituwal ng batas ni Moises ay naghahatid ng kaligtasan. Maaaring mukhang isang problema ito na hindi na angkop ngayon dahil hindi na natin ipinamumuhay ang batas ni Moises. Ngunit habang binabasa mo ang mga sulat ni Pablo, lalo na ang Mga Taga Roma 2:17–29, pag-isipan ang sarili mong pagsisikap na ipamuhay ang ebanghelyo. Ang iyo bang panlabas na mga gawa, tulad ng pakikibahagi ng sakramento o ang pagpunta sa templo, ay umaakay sa iyo tungo sa pagbabalik-loob at pagpapalakas ng iyong pananampalataya kay Cristo? (tingnan sa Alma 25:15–16). Paano mo matitiyak na ang iyong panlabas na kilos ay humahantong sa pagbabago ng puso?

Tingnan din sa Dallin H. Oaks, “Ang Paghamon na Magkaroon ng Kahihinatnan,” Liahona, Ene. 2001, 32–34.

Mga Taga Roma 3:10–315

Sa pamamagitan ni Jesucristo, mapapatawad ako sa aking mga kasalanan.

May mga taong maaaring panghinaan ng loob sa hayagang pagpapahayag ni Pablo na “walang matuwid, wala, kahit isa” (Mga Taga Roma 3:10). Ngunit mayroon ding mensahe ng pag-asa sa mga Taga Roma. Hanapin ang mga ito sa kabanata 3 at 5, at pag-isipan kung bakit ang pag-alaala na “lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios” (Mga Taga Roma 3:23) ay isang mahalagang hakbang sa pagkatuto na magkaroon “[pagkagalak] sa pag-asa” sa pamamagitan ni Jesucristo (Mga Taga Roma 5:2).

Mga Taga Roma 6

Ang ebanghelyo ni Jesucristo ay nag-aanyaya sa akin na “[lumakad] sa panibagong buhay.”

Itinuro ni Pablo na ang ebanghelyo ay dapat baguhin ang paraan ng ating pamumuhay. Anong mga pahayag sa Roma 6 ang gagamitin mo upang tulungan ang isang tao na maunawaan kung paano nakatulong sa iyo ang ebanghelyo na “[makalakad] sa panibagong buhay”? (talata 4). Anong personal na mga karanasan ang maibabahagi mo?

Larawan
icon ng pag-aaral ng pamilya

Mga Ideya para sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan ng Pamilya at Family Home Evening

Habang binabasa ninyo ng pamilya mo ang mga banal na kasulatan, matutulungan kayo ng Espiritu na malaman kung anong mga alituntunin ang bibigyang-diin at tatalakayin upang matugunan ang mga pangangailangan ng inyong pamilya. Narito ang ilang mungkahi:

Mga Taga Roma 1:16–17

Paano natin maipakikita na “hindi [natin] ikinahihiya ang evangelio [ni Cristo]”?

Mga Taga Roma 3:23–28

Masasabi ng ilang tao na dahil tayo ay “inaring ganap ng biyaya ng Dios” (Pagsasalin ni Joseph Smith, Mga Taga Roma 3:24, walang hinihingi para matanggap natin ang mga biyaya. Kahit na hindi sapat ang magagawa natin para “makamit” ang biyaya ng Diyos, hinihiling ng Diyos na gawin natin ang ilang bagay upang matanggap ito. Ano ang magagawa natin para tumanggap ng biyaya?

Mga Taga Roma 5:3–5

Anong mga paghihirap ang naranasan natin? Paano nakatulong ang mga pagdurusang ito sa atin na magkaroon ng pagtitiis, karanasan, at pag-asa?

Mga Taga Roma 6:3–6

Ano ang sinabi ni Pablo sa mga talatang ito tungkol sa simbolismo ng binyag? Marahil ay maaaring planuhin ng inyong pamilya na dumalo sa isang binyag. O maaaring magbahagi ng mga larawan o alaala mula sa kanyang binyag ang isang kapamilya. Paano nakatutulong ang paggawa at pagtupad ng ating mga tipan sa binyag sa atin na “[makalakad] sa panibagong buhay”?

Larawan
taong nagbibinyag ng isa pa sa lawa

Ang binyag ay sumisimbolo sa pagsisimula ng bagong buhay bilang disipulo ni Cristo.

Para sa iba pang mga ideya sa pagtuturo sa mga bata, tingnan sa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary.

Pagpapabuti ng Personal na Pag-aaral

Magtanong habang nag-aaral ka. Habang pinag-aaralan mo ang mga banal na kasulatan, may mga tanong na maaaring pumasok sa isipan mo. Pagnilayan ang mga tanong na ito at maghanap ng mga sagot. Halimbawa, sa Mga Taga Roma 1–6 maaari mong hanapin ang mga sagot sa tanong na “Ano ang biyaya?”