Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 26: Ang mga Tao ni Ammon


Kabanata 26

Ang mga Tao ni Ammon

Larawan
Mosiah teaching Lamanites

Itinuro ng mga anak na lalaki ni Mosias ang ebanghelyo sa mga Lamanita. Libu-libong Lamanita ang nagsisi at sumapi sa Simbahan.

Larawan
Anti-Nephi-Lehies

Tinawag ng mga Lamanita na sumapi sa Simbahan ang kanilang sarili na Anti-Nephi-Lehi, o ang mga tao ni Ammon. Sila ay mabubuti at masisipag na mga tao.

Larawan
Lamanites preparing to fight

Ang mga Lamanita na hindi nagsisi ay nagalit sa mga tao ni Ammon at naghanda na makipaglaban sa kanila.

Larawan
people of Ammon

Alam ng mga tao ni Ammon na ang masasamang Lamanita ay darating at papatayin sila ngunit nagpasiya silang huwag lumaban. Napagsisihan na nila ang pagpatay ng tao.

Larawan
people burying weapons

Ibinaon nila nang malalim sa lupa ang kanilang mga sandata at nangako sa Diyos na hindi na sila kailanman muling papatay ng tao.

Larawan
Lamanites coming and people praying

Nang dumating ang masasamang Lamanita at nagsimulang pagpapatayin sila, nagpatirapa sila sa lupa at nanalangin.

Larawan
Lamanites standing around people of Ammon

Nang makita nilang hindi lumalaban ang mga tao ni Ammon, marami sa masasamang Lamanita ang tumigil sa pagpatay sa kanila.

Larawan
Lamanites putting down weapons

Nalungkot ang mga Lamanita na pumatay sila. Itinapon nila ang kanilang mga sandata at sumama sa mga tao ni Ammon. Hindi na sila muling makikipagdigma.

Larawan
Lamanites killing people of Ammon

Marami pang Lamanita ang dumating upang patayin ang mga tao ni Ammon. Hindi pa rin sila nakipaglaban, at marami ang napatay.

Larawan
Ammon praying

Dahil hindi niya nais na malipol ang mga taong minamahal niya, nanalangin si Ammon upang sila ay matulungan. Sinabi ng Panginoon sa kanya na dalhin ang kanyang mga tao at lisanin ang lupain.

Larawan
people of Ammon and Nephites of Zarahemla

Ibinigay ng mga Nephita sa Zarahemla kay Ammon at sa kanyang mga tao ang lupain ng Jerson at pinangalagaan sila. Naging magkakaibigan sila.