2021
Ano ang Sion?
Hunyo 2021


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Ano ang Sion?

Doktrina at mga Tipan 63–66

Hunyo 7–20

Larawan
article on Zion

Sa iba’t ibang pagkakataon sa Doktrina at mga Tipan, ang salitang Sion ay ginagamit para italaga ang lugar para sa pisikal na pagtitipon ng mga Banal (lunsod ng Sion, halimbawa) o para matukoy ang mga tao ng Panginoon—“ang may dalisay na puso” (Doktrina at mga Tipan 97:21). Lumalawak ang ating pang-unawa kung nasaan ang Sion at sino ang naninirahan dito kapag alam natin ang iba’t ibang kahulugang ito.

Ang Lunsod ng Sion

Sa pamamagitan ni Propetang Joseph Smith, iniutos ng Panginoon sa mga Banal sa mga Huling Araw noong 1831 na tipunin at itayo ang Sion sa Independence, Missouri (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 62:2–4; 63:24–48). Narito ang ilang mga paglalarawan nito noong panahong iyon:

Ito ay nasa isang rehiyon noon na mayroon lamang “dalawa o tatlong tindahan ng mangangalakal, at labinlima o dalawampung tirahan, na karamihan ay yari sa troso.”1

Inilarawan ng iba pa ang Independence bilang lugar na “puno ng pangako” ngunit ang nakatayo lamang doon ay “lima o anim na kubo na yari sa troso, dalawa o tatlong bahay na yari sa manipis na tabla, dalawa o tatlong tinatawag na hotel, na tindahan din ng mga alak; [at] ilang tindahan.”2

Inilarawan niEliza Lyman kung gaano kahirap ang kanyang pamilya matapos lumipat doon: “Kami ay … nakatira sa isang maliit na bahay na yari sa laryo na inupahan ng aking ama para sa taglamig, dahil wala pa siyang panahon para magtayo ng bahay. Napakahirap ng buhay namin noong taglamig na iyon, dahil ang mga tao sa rehiyong iyon ay walang ibang gusto kundi corn bread [at] bacon at nagtatanim ng kakaunti ng lahat ng uri; kaya kakaunti lang ang nabibiling iba’t ibang klase ng pagkain, ngunit naalala ko na may bariles kami ng pulot at anumang gulay na mabibili namin, pero walang wheat bread, dahil walang trigong mabibili sa lupain.”3

Mula sa abang simulang ito, nagtayo ang mga Banal ng isang abalang komunidad ng 1,200 katao pagsapit ng Hulyo 1833. Gayunman, kalaunan noong taglagas na iyon, pinaalis sila ng mga mandurumog sa lugar na iyon at noong 1838, mula sa buong estado ng Missouri.

Mga Tala

  1. Ezra Booth, “Mormonism—No. VI,” Ohio Star, Nob. 17, 1831, [3].

  2. Charles Joseph Latrobe, The Rambler in North America (1835), 1:104.

  3. Eliza P. Lyman journal, 1846 February–1885 December, 8–9, Church History Library, Salt Lake City; iniayon sa pamantayan ang pagbabaybay at pagbabantas.