2020
Pagtulong sa Panunumbalik
Abril 2020


Mula sa Unang Panguluhan

Pagtulong sa Panunumbalik

Hango mula sa, “Pag-asa ng Israel” (pandaigdigang debosyonal para sa mga kabataan, Hunyo 3, 2018), 19, HopeOfIsrael.ChurchofJesusChrist.org.

Larawan
Helping with the Restoration

Noong 1820, nagpakita ang Ama sa Langit at si Jesucristo kay Joseph Smith. Sinabi ng Ama sa Langit, “Ito ang Aking Pinakamamahal na Anak. Pakinggan Siya!” Ang Panunumbalik ng ebanghelyo ay nagsimula nang araw na iyon 200 taon na ang nakararaan. Patuloy pa rin ito ngayon!

Balang-araw muling paparito si Jesucristo sa mundo. Narito ang apat na paraan na maaari kang makatulong sa Panunumbalik at makapaghanda para sa panahon ng pagbabalik ni Jesus:

  • Isalig ang iyong pananampalataya kay Jesucristo.

  • Alamin ang tungkol sa iyong pamilya at tumulong na magawan sila ng gawain sa templo.

  • Maghandang pumunta sa templo.

  • Tulungan ang iba na malaman ang tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang Simbahan.

Ang paggawa ng mga bagay na ito ay makakatulong para maihanda ang mundo sa maluwalhating araw na paparitong muli si Jesus!

Mga paglalarawan ni Katie McDee