2020
Nakuha ni Nephi ang mga Laminang Tanso
Enero 2020


Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan

Nakuha ni Nephi ang mga Laminang Tanso

Larawan
Lehi and Sariah family

Mga paglalarawan ni Apryl Stott

Naglakbay ang pamilya nina Lehi at Saria patungo sa lupang pangako. Iniutos ng Diyos kay Lehi na pabalikin ang kanyang mga anak sa Jerusalem upang kunin ang mga banal na kasulatan. Nakasulat ang mga ito sa mga laminang metal.

Larawan
Nephi and Sam

Sabi nina Laman at Lemuel napakahirap nito. Ngunit sabi ni Nephi hahayo siya at gagawin ang ipinag-utos ng Diyos. Tinularan ni Sam ang halimbawa ni Nephi.

Larawan
Laban and the plates

Sinabi ng Espiritu kay Nephi kung paano makukuha ang mga laminang tanso mula sa masamang tao na nagngangalang Laban.

Dinala ni Nephi at ng kanyang mga kapatid ang mga laminang tanso pabalik sa kanilang pamilya. Napakasaya nina Lehi at Saria! Pinag-aralan nila ang mga banal na kasulatan sa mga lamina. Natuto sila tungkol sa mga kautusan ng Diyos.

Larawan
family reading scriptures together

Matutulungan ko ang aking pamilya na pag-aralan ang mga banal na kasulatan. Maaari akong maging matapang katulad ni Nephi at “hahayo akoat gagawin” ang ipinag-uutos ng Diyos! ●