2019
Mga Kabataan
Hulyo 2019


Mga Kabataan

Larawan
Lily

Ako ay naglalaro ng volleyball, nagta-track and field, at nagbabasa nang madalas. Kung maaari kong gugulin ang isang araw sa isang bagay na gusto kong gawin, marahil ay pupunta ako sa dalampasigan.

Ipinanganak ako sa Chicago, Illinois, subalit lumipat sa Nauvoo noong nasa bahay ampunan ako. Hindi ko na masyadong maalala ang aking buhay bago ako napunta sa bahay ampunan, subalit natatandaan kong nadarama ko na hindi ako ligtas. Noong napunta ako sa bahay ampunan, nakadama ako ng kaligtasan. Nagustuhan ko ang pagkakaroon ng ebanghelyo sa aking buhay. Ang ilan sa aking mga kaibigan ay napasok sa ilang nakakatakot na sitwasyon dahil hindi sila sumusunod sa ating mga pamantayan. Alam ko na ang pagsunod sa mga kautusan ay nagpapanatili sa akin na ligtas.

Masayang karanasan ang pagkahanap ko sa aking pamilya. Ang aking ina ay pumunta sa paaralang pinapasukan ko dahil tumutulong siya bilang kahaliling guro. Nakipaglaro siya sa akin, at sinabi niya sa isa sa mga guro na gusto niya akong isama pauwi dahil napakaganda ko raw na bata. Sabi ng guro, “Pinaaampon siya, kaya baka maaari mo nga siyang isama pauwi!” Nagtanong ang aking ina tungkol sa proseso ng pag-aampon at inampon niya ako at ang aking dalawang kapatid na lalaki. Masaya ito dahil alam ko kung paano mabuhay nang walang pamilya, at dahil dito ay naging mas espesyal ang pagkakaroon ng pamilya.

Lily S., 14, Illinois, USA

Larawang kuha ni Christina Smith