2019
Mahal naming mga Magulang
Hulyo 2019


Mahal naming mga Magulang,

Larawan
Dear Parents

Inutusan ni Jesus ang Kanyang mga disipulo na dalhin ang ebanghelyo sa “buong sanglibutan” (Marcos 16:15). Ang magasin sa buwang ito ay maaaring makapagbigay sa inyong pamilya ng mga ideya para sa pagbabahagi ng ebanghelyo saanman kayo nakatira. Kung ibabahagi ng lahat ng taong mayroon ng magasing ito ang ebanghelyo sa kahit isa lang na pamilya, isipin ninyo kung gaano pa karaming tao ang matututo tungkol kay Jesus! Narito ang ilang mga tanong na maaari ninyong pag-usapan habang binabasa ninyo ang bawat kuwento:

  • May maiimbitahan ba ang ating pamilya sa Primary, sa isang binyag, o sa isang aktibidad sa Simbahan?

  • Ano ang magagawa ng ating pamilya ngayong buwan para maibahagi ang ebanghelyo sa pamamagitan ng ating halimbawa?

  • Alam ba ng ating mga kaibigan at kapitbahay na Kristiyano tayo?

Bilang isang pamilya, markahan ang lahat ng pagkakataon na may isang tao sa mga kuwentong ito na nagbabahagi ng ebanghelyo. Pagkatapos ay gumawa ng sarili ninyong plano sa misyon ng pamilya. At sabihin sa amin kung ano ang nangyari!

Punuin natin ng kabutihan ang mundo!

Ang KaibiganNew

Friend section

50 E. North Temple St., Room 2393

Salt Lake City, UT 84150, USA

liahona@ldschurch.org